COY 13: The Empress

4.5K 149 7
                                    

Excited na si Xyra ng malapit ng matapos ang huli nitong klase. Gusto na kasi niyang makasama ang magulang pero ayaw naman ng mommy nito na mag-absent sa klase. Tapusin daw muna ang class at saka siya susunduin ng mga ito.

"Xy, may gagawin ka ba after nito?" tanong ng isang kaklase niya. Mabilis na tumango si Xyra.

"Yup, susunduin ako nina Mom at Dad. Bukas nalang natin gawin ang projects, okay?" nakangiting sagot niya.

Ngumiti na rin ito. Natutuwa silang makasama sa grupo si Xyra lalo pagdating sa projects dahil talagang mataas ito sa academics at madali lang sa kanya ang mga aralin.

Saktong pagtunog ng bell ay kaagad na dinampot ni Xyra ang mga gamit. Pero nasulyapan niya ang mga bigay ni Walden.

Oh no! Di ko dapat dalhin yan. Baka magtaka si mommy, she doesn't want me to make paligaw pa naman..

Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan si Luna.

"Bhe, pakisuyo naman oh.." kaagad na bungad niya rito.

"Abah wala man lang hi!" himig biro ni Luna mula sa kabilang linya.

Nauliningan pa ni Xyra ang boses ni Cassie.

"Ehhh.. Sorry na.. Kasi naman, susunduin ako nina Mommy at Dad. Ehhh... Di ko madadala itong bigay ni Walden.. Can you bring it for me? Promise, dadaanan ko sa inyo bukas.." paliwanag niya sa kaibigan.

"Okay sige.. Kukunin namin yan. Paakyat na kami ni Cassie." sagot ni Luna.

"Thank you bhe!" halos mapatalon si Xyra sa tuwa. Being with this two is a great favor to her. Alagang alaga siya ng mga ito.

Saktong makalabas nga si Xyra ng gate ng university ay pumarada sa harapan niya ang isang black bmw. Napanganga pa siya ng makita kung sino ang sakay nito ng bumaba ang salamin na bintana ng kotse.

"Get in baby.. May pupuntahan pa tayo!" nakangiting sambit ni Lian at kinindatan pa ang anak.

Mas lalong na excite naman si Xyra sa kinikilos ng ina.

Mukhang hyper ngayon si mommy ah. Saan kaya kami pupunta?

Mabilis naman siyang pumasok sa backseat at pagkasara pa lang niya ay pinausad na kaagad ng kanyang Daddy Raven ang kotse.

"Mom, Dad.. Saan tayo pupunta? And when did you get this car?" tanong niya sa magulang.

Ngumisi naman ang mga ito sa kanya at walang sinumang aumagot. Ipinagkibit balikat lang naman ito ni Xyra.

Both of them are multibillionaires liban sa pagiging king and queen ng mafia at gangsters kaya di nakakagulat na biglang bago ang sasakyan ng mga ito.

Nanungaw nalang si Xyra sa bintana at inaliw ang sarili sa nadaanang tanawin. Medyo nagtataka pa siya at napapalayo na sila sa city proper at mukhang isang pribadong lugar na ang tinatahak na daan.

Ano kayang lugar ang pupuntahan namin? Mukhang malayo na kami sa manila ahh..

Dahil sa naglalakbay ang isipan niya ay di niya namalayang nakatigil na pala ang kotse nila.

"Baby, anong iniisip mo? Ang lalim ahh.. Lovelife ba yan? Share mo daliii!" biglang sambit ni Rave na sinabayan pa ng pagtaas baba ng kanyang mga kilay na animoy tinutukso ang anak.

"Daddyyy! Bata pa ko noh!" napasigaw na sambit ni Xyra at halos mapatayo pa siya sa kinauupuan. Humalakhak naman si Rave sa nakitang pamumula ng anak.

"Mommy oh! Si daddy inaasar ako!" pagsusumbong niya kay Lian. Napangisi lang naman ang huli.

"Oh siya tama na yan.. Baba na kayo at mukhang kanina pa nagsisimula." awat nito sa mag-ama. Nagsibabaan na sila at lumapit sa ikalawang gate.

Crazy Over You (ILYMG Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن