Ang dalawang magkalaban

2 0 0
                                    

Noong unang panahon na sinasakop pa lamang ng espanyol ang pilipinas, si Reyes, isang mandirigma, isa siyang masakim at walang awang sundalo ng espanya. Inutusan siya na sakupin ang silangang bahagi ng pilipinas habang sa kanluran susugod ang kaniyang kasamahan. Nagsimulang matagumpay ang kaniyang pandirigma at halos na masakop na ang kanang bahagi ng pilipinas, ngunit siya'y biglang natamaan ng ligaw na bala at lubhang nasugatan. Tumakas siya papunta sa isang mapunong gubat at doon muna nagpahinga. Biglang may nakahanap sakaniyang isang napakagandang dalagita, napatibok muli ang puso ni Reyes na ang akala niya'y matagal nang patay. Tinanong niya ang pangalan ng nakakita sakaniya, ------- ang pangalan niya. Si ------ ay nagalala kung bakit sugatan si Reyes, ngunit iniwasan niyang sagutin ang tanong nang nagalala na baka'y matakot ang dalagita sakaniya. Kaya't nagsinungaling na lamang siya at napapaniwala ang dalaga sa isinabi niya. Araw-araw, si ------- ay umaakyat sa magubat na bundok na kinaroroonan ni Reyes upang gamutin siya. Hindi napapansin ni ------ na unti-unting nahuhulog na siya kay Reyes. At ng tuluyang gumaling na si Reyes ay nagalala ang dalaga na baka'y maglaho na si Reyes at hindi na muling babalik. Ngunit sa tagal nilang nakakasama ang isa't-isa ay ipinangako na ni Reyes na protektahan si --------, kahit alam niya na isang malaking kasalanan para sakaniyang bansa ang mahalin ang kalaban, ipinangako niya na poprotektahan niya ang dalaga kahit na kapalit pa ng kaniyang buhay ay ipagpapatuloy niya ito. Ang dalawa ay tunay na nagmamahalan at sa katagalan ay nagsama. Ngunit sa kasamaang palad ay dumating na ang kasamahang espanyol ni Reyes sa kinalulugaran niya at ng kaniyang asawa. Si Reyes, ngayo'y traydor na ng kaniyang bansa, ay nandirigma na muli upang protektahan niya ang kaniyang pinakamamahal sa buhay at nagtagumpayan niya, kasama ang ibang mga kalalakihang pilipino na paalisin muna ang mga espanyol na sumugod sakanilang bayan. Ngunit sa kasamaang palad ay malubhang duguan si Reyes sa labanang nangyari at bilang na ang oras niya sa mundo.. Si -------, na humahagulgol habang kinakasama ang huling kapanahunan ng kaniyang asawa. Inamin na ni Reyes na isa siyang sundalong espanya, at nagtungo siya sa magubat na bundok dahil kaaalis lamang niya sa digmaang pinanggagalingan niya dahil malubhang nasugatan siya. Nagulat ang dalaga ngunit hindi na niya ito pinagisipan pa ngunit ang tangi inaalala niya ang ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Umamin narin si ----- na buntis siya sa anak ni Reyes. Ngumiti si Reyes at tumingin sa langit, sinabi niya sa asawa na puwede siyang magasawa muli kung iginusto nito basta't maging masaya siya at binilin niya sa asawa na palakihin ng mabuti ng anak nila, pagkatapos ay pumikit ang mata ng lalaki. Hindi na ramdam ni ------- ang lakas sa paghawak niya sa kamay ni Reyes. Tuluyang nawala na siya sa mundo. Makalipas ang pitong taon, ang anak ni ------ ay malaki na, itinanong ng bata sa kaniyang ina kung nasaan ang kaniyang ama. Isinaad ni ------- na "noon, anak. Mayroong dalawang magkalaban."

end.



no more continue.

one paged storiesWhere stories live. Discover now