Nang matapos ay nag-aya na kaming magbihis para makapagpaligo. Hinanap namin ang shower room. Hindi na ko nagtaka nang bumungad sa amin ang mga lalaki pwera kay Zach at Jin. Lahat sila ay nakaboard shorts na lang at ang mga babae na gumamit at gagamit ng shower room ay pinapasadahan ng tingin ang mga lalaking to.
Lumapit si Chase sa akin at humawak sa pulso ko. Bumalik kami sa cottage at nilagay doon ang gamit namin ni Chase sa bag. Sama sama na kaming pumunta sa dagat para maligo. Pinipicturan kami ni Nathalie gamit ang underwater camera niya. I have a picture with Chase. Naka-angkas ako sa likod niya at hawak niya ko sa magkabilang hita ko.
Nagpicturan ulit kaming mga babae at ang mga lalaki. Dumating na sila Anica at Zach. Shit lang. Sobrang bagay sila and Anica's bod. Oh my, nakakainggit! Iba talaga kapag Perez. I saw her brothers' and sister's body. Feeling ko tuloy inborn na sa kanila ang magkaroon ng magandang katawan.
Pinicturan sila ni Nathalie. Binuhat ni Zach si Chieri at pinaupo niya sa balikat niya saka siya nagpose. Nang matapos picturan ay binuhat ni Zach ulit si Chieri sa bisig niya naman at dumiretso sa dagat.
"Ina," tawag ng boses ni Chase sa kambal ko.
Nilingon namin siyang dalawa. Nakahilata kami sa may sarong namin na nasa buhangin. Sunbathing at talagang kinapalan namin ang sunblock. Inangat ni Ina ang wayfarers niya at tumingin kay Chase.
"I'll borrow Irina." Ani nito.
Tumango si Ina at bumalik sa pagkakahiga. Zane is around, she'll be fine.
Inilahad ni Chase ang kamay niya sakin na tinanggap ko naman. Tumayo ako at iniwan kay Ina ang sarong ko. Nauna akong naglakad kay Chase. Hindi niya naman ako pinipigilan kaya nagtitingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad. Hindi lingid sa kaalaman ko na may mga lalaking nakatingin sa akin at mukhang alam ni Chase iyon.
Bigla na lang ako hinapit sa baywang ni Chase at nasa likod ko siya. Suminghap kaming dalawa sa ginawa niya. Nabigla kasi ako at 'di ko alam kung ba't siya suminghap. Lumayo ako ng kaunti at ang kamay niya ay nanatili sa baywang ko.
Nagsimula kaming maglakad ulit hanggang sa nakarating na kami sa may kabilang side ng isla.
Kakaunti ang tao dito pwera sa kabila. Nagulat na lang ako nang buhatin ako ni Chase katulad ng ginawa ni Zach kay Chieri. Naglakad siya papunta sa dagat at huminto nang hanggang baywang niya na ang tubig.
"You know how to swim?" Tanong niya sakin.
"Oo, bakit?" Tanong ko.
"Nothing." Sagot ni Chase.
Maya maya ay binato niya ko sa dagat kaya't umahon ako agad. Sinamaan ko ng tingin si Chase na nakangisi. Ang layo ko na sa kanya dahil sa ginawa niya. Inirapan ko siya at lumangoy na lang papalayo sa kanya. Nakikiliti pa ko dahil may mga school of fish na dumadali sa paa ko.
Huminto ako sa may parte ng dagat na abot ko pa. Nabasa ang buhok kong nakatali kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng inis.nMay humapit ulit sakin at hinarap ko ito. It was Chase.
Nakangisi pa rin siya sakin as if it's funny to throw me without my notice.
Pumulupot sa baywang ko ang mga bisig ni Chase at inilapit ako sa kanya. Tinignan ko lang siya ng masama at inirapan. Narinig ko pa ang mahinang halakhak niya sa ginawa ko.
"Now you know what I feel about you showing a lot of skin." Aniya.
Humawak ang isa niyang kamay sa baba ko at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi. Nanlalaki ang mata ko at napasinghap ako kanina kaya malaya si Chase halikan ako. Hindi ako tumugon sa gulat at nang makabawi ako ay hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tinugon ko ang halik ni Chase.
Pikit mata kong hinahalikan pabalik si Chase at may bagay na naman na unti-unting natutunaw sa dibdib ko. Lumayo ang mukha niya pagkatapos at nanatili akong nakapikit habang naghahabol ng hininga. Gusto kong magmura. Gusto kong murahin ang sarili ko. Para akong tanga na nakikipaghalikan sa ex ko gayung may fiance ako na ex ko rin. Ano bang problema ko?
"You okay?" Tanong niya sakin habang hinahaplos ang baywang ko.
"I'm good." Sagot ko.
Tumango siya, medyo hinihingal rin. Kung hindi ba naman gago parang mamamatay kung makahalik at makalingkis sa akin eh.
"Balik na tayo?" Tanong ko rito.
"Mamaya na. Ngayon lang kita masosolo ng ganito." Sagot niya.
"Baka hanapin tayo." Sabi ko.
Chase licked his lower lip saka siya sumagot. "Nagsabi ako kay Jacob at Kendra." Sabi niya.
Hinila na ko pabalik ni Chase sa may buhanginan. Umupo kami doon at nagkwentuhan saglit maya-maya ay sumulpot si Jin at tinawag kami. Ayaw man namin umalis dito ay tumayo na kami saka sumunod kay Jin. Nagisland hopping kami hanggang sa nagkayayaan nang pumunta sa beach house nila Ridge.
We heard Nathalie screamed. Ang alam ko kasama niya si Chase kaya dali-dali kaming lumabas ng beach house at bumungad sa amin si Nathalie na pinauulanan ng tanong sila Zach at Anica. I feel so happy for them. Napatingin ako kay Chase na katabi ni Nathalie at masayang nakatingin kila Zach.
Now I'm here seating next to Chase sa isang single-seater. Nasa may arm rest ako saka ko tinignan sila Zach.
"So," simula ko. "Since kayo na... Zach what are you planning?" Tanong ko rito.
Niyakap ni Zach si Chieri mula sa likuran na nagpa-ngiti sa akin. "I'll convince her family first, Irina." Sagot niya sakin.
"Ang mayaman ay para sa mayaman lang Zach. How can you convince them kung nanggaling ka sa mahirap na pamilya?" Tanong ni Jin kay Zach.
"Tanggap ko si Zach sa kung ano sila noon, Jin." Sagot ni Anica and I gave her a mental round of applause.
"Well that's you Chieri. It's different. Pamilya mo pinag-uusapan dito. Yung kagustuhan nilang ilayo ka na naman kay Zach at ipakasal kay Darryl dahil galing siya sa mayaman na pamilya. I told you, ang mayaman ay para sa mayaman lang." Sabi ni Jin.
Tumingin kaming lahat sa dalawa matapos ang litanya ni Jin.
"Sorry, Jin. Luma na yan. I live by my own rule at yun ay ang Perez... Ay para sa de Vera lang." Sagot ni Zach at hinalikan sa pisngi si Anica.
Nakangiting binigyan ko sila ng palakpak. I love them so much. Hanga ako sa kanila. Their bravery and their love for each other is so deep to the point na wala na ni isa ang makakaputol nito. Now I can't help but think. Kung naghintay ba ako... Will I smile like the way Anica smile?
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 34
Start from the beginning
