Inabot ni Darryl kay Anica si Shin saka bumalik si Anica kay Zach. May buhat na rin si Chase habang ako ay dala ang gamit ko. Dalawa ang dala ni Chase at hinintay ko talagang maka-alis sila bago ako kumilos.
"Akin na yang gamit mo." Sabi ko.
Tinignan niya muna ako bago niya inalis sa balikat niya ang backpack niya at ibigay sa akin. Kinuha niya ang gallon ng tubig saka kami sumunod sa kanila. Habang naglalakad ay nabo-bother ako sa itsura ni Chase.
Kunot noo pa rin si Chase. Hinawakan ko siya sa balikat para tumigil sa paglalakad. Pinatingin ko siya sakin saka ko hinaplos ang noo niya hanggang sa mawala na ang kunot nito. Nginitian ko siya pero ang sama naman ng tingin niya sakin.
"Kung sa tingin mo sa ginagawa mong panlalambing sa akin ay mawawala ang galit ko, then you're wrong. I'm still mad as hell and stop smiling at me." Aniya at umiwas ng tingin sa akin.
"Ba't naman?" Tanong ko rito.
"Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka ng wala sa oras." Sagot niya.
Tumingin ulit siya sakin pero naka-awang ang bibig ko. Siya na ngayon ang nakangiti at gamit ang libre niyang kamay ay humawak siya sa likod ko para ituloy na ang paglalakad.
Sama sama kami sa bangka. Anim sila Juniel sa pangalawang bangka na kinuha nila at dito kaming mga nakatira kasama ang ibang gamit. Nagpipicturan ulit kami at tawanan. Ginaya kasi ni Jacob yung sa Titanic na ginawa ni Jack sa may harap ng barko pero ngayon ay sa harap ng bangka. Tumayo si Chase ng dahan-dahan at lumapit sa harap tumatawa siya habang kinukuhanan ng picture si Jacob.
Nang makarating ay un-unti na kong naiinip. Yung init kasi ng araw ang bongga lang.
"Ang tagal naman eh!" Reklamo ko habang pinanonood ko si Chase na nagbababa ng gamit.
Bumaba si Chase dala ang gallon ng tubig at ang bag niya saka tumingin sakin.
"Is waiting such a hard thing for you to do?" Mariing tanong nito sa akin.
Natahimik ako saglit. Ouch! Hugot! Iba na ba pinag-uusapan namin o parehas lang?
"Eh bakit ba kasi ayaw niyon paalisin kami?! Si Juniel nauna na o!" Dagdag ko, pinipilit na alisin sa sistema ko ang sinabi niya kanina.
"If you didn't wear such a thing like that, I should have let you go by now!" Sigaw niya sakin na inirapan ko. Peste ka!
Tinawag kami ni Zach at pinagsabihan saglit. Wala na kong nagawa kundi ang makisama. Pagbigyan ang lalaking mainit ang ulo. Kasing init ng araw.
Naglakad kami papunta sa cottage. Pagkarating doon ay saka kami nagsikainan. Katabi ko si Ina at Nathalie. Katabi ni Nathalie si Justin kasunod si Chase. Oo, ganoon siya kalayo sa akin. Ang itsura tuloy, ako ang walang katabing partner. Anak ng pitungpu't kuba lang.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 34
Start from the beginning
