Funny Quotes Tagalog

1.2K 26 0
                                    

Paano ba nasusukat ang ang pag-ibig?

Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?

Pano ko malalaman kung siya na ba talaga?

Hindi ko alam pero dapat tandaan mo na wag kang

sisigaw pag nakasalubong mo si Sadako.




Ang bawat piso ay pinaghihirapan

Dugo't pawis ang puhunan.

Mahalaga ang bawat piraso

kaya sana...

Magreply ka naman pag nagtetext ako!

Mahiya ka sa parents ko na nagtitiyagang magload saken!




Lahat naman tayo may kapintasan,

Lahat tayo hindi perpekto...

Kaya wag kang mag-alala kung ganyan

ka pinanganak...

Normal lang yan...

Hindi mo naman kasalanan na maging kamukha mo si...

KOKEY.




Masakit sabihin ang "I hate you"

Mahirap sabihin ang "I'm sorry"

Lalo na ang "I love you"

Pero  pinakamahirap sabihin ang...


"iskibiritsiboooop

iskiribaaboap

blooopikiribitkiribit""


Ikaw nga?



Teacher: Juan sagutin mo ang tanong ko, kung meron akong 5 anak sa unang

asawa at 6 sa pangalawang asawa, mayron akong?


Juan: Ma'am meron kayong taglay na kalandian





Nakakainis kayo lagi niyo na lang ako tinatapakan. 

Hindi na ba magbabago ang pagtingin niyo sakin?

-Doormat


Hindi lahat ng maasim ay may taglay na Vitamin C

-Kili kili


Bakit pag umiinom tayo ng isang basong tubig

parang ang hirap? Pero pag umiinom tayo ng redhorse 

kahit isang case parang kulang pa? Bakit ganon?



Bakit pag late ka pumapasok yung prof mo?

Pero pag hindi ka late wala naman yung prof mo?

Bakit ganon?



Wala naman talagang taong panget,

nagkataon lang na ang mukha nila ay di pa 

uso sa panahon ngayon.




Tagalog And English QoutesWhere stories live. Discover now