Chapter 2: Trixie Soliano/ Ms. Maldita

96 4 1
                                    


"Hoy pangak! Alis! Paharang harang ka sa daanan!" Sigaw ni Trixie slash malditang spoiled brat na hambog. "Edi aalis na po, señora," pabulong kong sigaw. "Anong sabi mo?" Pagalit niyang tanong. "Wala po, aalis na po ako, Have a good day!" Sabi ko. Pairita siyang umalis.

Kainis. Alam niyo bang siya yung nagpauso ng katagang 'pangak' sa akin. Grr bwisit siya!

Pero kahit ganoon siya, di ako papatol dun. Sino bang maglalakas loob na sumagot sa anak ng principal/ may-ari ng school. Makikick out ako pag ginawa ko yun. Ayokong masayang ang scholarship ng dahil lang sa kanya. Nako maka punta nga ng library.

Papunta palang ako ng library at nakita ko nanaman si Ms. Maldita. Teka lang, Ano to? Bakit kasama niya si Greyson? May relasyon ba sila? Noooooooooo. Alam kong wala akong karapatang mag react pero ang sakit sakit. Gumuho ang mundo ko ng mga sandaling iyon. Baka naman may tatanungin lang or baka may hihingin. Pagmamasdan ko nalang ba sila sa isang sulok? Ewan, wasak na ako. Nasusunog na mata ko. I mean nagbabaha na pala </3

GREYSON'S P.O.V.

Sorry...Wala akong feelings para sa--"What?! After all I've done for you? Alam mo bang nang dahil sa akin kaya ka nakabalik sa team mo?" Paluhang Sabi sa akin ni Trixie. "Oo ikaw nga pero alam ng lahat kung bakit hindi ako karapat dapat na tanggalin sa team namin. Kung wala ako, matatalo ang team. Tsaka hindi iyan sapat na dahilan upang ika'y pagkainteresan ko. Wag mong ipamuka sa akin na kung wala ka, wala ako sa team. Nagkakaintindihan ba tayo?" Pilyo kong sagot. Umalis si Trixie na umiiyak.

Tama nga kayo. Hindi ako gaanong kabaitan. Eh, nagbabaitbaitan lang naman ako para dun sa babaeng gusto ko kaso lumipat na siya sa ibang school kaya ano pang silbi nito? Tatapusin ko nga tong kadramahang ito. Nakakairita.

"Aray!"

Huh? Teka lang may parang nang eespiya ah doon sa sulok ah.

MargauxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon