21- Field Training

Začít od začátku
                                    

"Hindi mo ba nakikita ang progress mo? Araw-araw kang nag-i-improve, Kam. Isa pa, top one ka sa batch natin. What are you doing to yourself?" he handed her the sword.

Lageng malinis tingnan si Stan. He was a bit of a germophobe kaya expected na may maliit na bote ng hand sanitizer sa bulsa ng pantalon nito. At ginamit nga iyun ng lalaki nang makuha n'ya ang kanyang espada.

"Top one ako kasi nako-compensate ng academics ko ang physical trainings. Pero hindi sapat na mautak lang ang isang Sentry, Stan. Dapat malakas din physically. I'm working on both. I want to excel on both."

Napailing ito. "Mahirap ang activity natin bukas. Don't exhaust yourself now. Baka magsisi ka pa."

Ngumiti si Kam. Touched naman siya sa concern nito. Actually, the people with her in this training were kind and supportive.

Nakakapanibago nga. Hindi kasi gan'on ang nakasanayan niya sa Chilakest.

"We're going to have dinner soon. Maligo ka na ha?" ani Stan na nakangiti na.

"Opo," aniya saka tumawa.

Hindi siya makapaniwala na a few months ago, Stan tried to court her. Wala naman kasing romantic sparks sa kanila.

Ngayon ay naging mabuti na itong kaibigan. Not bestfriend material but still...

Wala si Nova sa suite nila nang pumasok doon si Kam. Naligo na siya agad. Buti na lang nakapagbigay ng konting relief sa muscles niya ang mainit na shower.

She decided to wear a cute white off-shoulder romper and white sneakers. Naka-messy bun naman ang wavy at kulay ginto niyang buhok. Hindi na siya nag-makeup. Bakit pa 'di ba. Magdi-dinner lang naman sila sa restaurant nitong hotel.

Lumabas na siya ng suite at dumiretso sa elevator nang sumakay naman doon si Mandy from the floor below there's. Wala itong roommate kaya sa mas maliit na kwarto ito naka-stay.

Ang ganda nito sa suot na simpleng itim na crop top bandeau at pulang mini-skirt. Naka-itim na combat boots naman ito.

"Nasa restaurant na sila?" magiliw nitong tanong.

Tumango si Kam. "Buti naman hindi lang ako ang late."

Tumawa si Mandy. "Nakalimutan ko ang oras. Nanood kasi ako ng paborito kong TV series. Eh ikaw ba? Naku, for sure, nag-overtime ka nanaman sa training."

Ngumiti si Kam.

Mandy frowned. "Naku, naku! Inaabuso mo na ang katawan mo! Chill ka lang, Kam. Immortal tayo pero isa lang ang katawan natin, okay?"

Kam chuckled. Lahat na lang ba nang nakapaligid sa kanya ay pare-pareho lang ang sasabihin?

"Thank you, Mandy. Don't worry."

Sumimangot lang ito dahil sa katigasan ng ulo n'ya.

—-
Nanliit ang mga mata ni Kam habang nakatayo sa itaas ng pinakamataas na building sa Surial. Gamit ang kanyang vampire sight na ilang buwan din niyang in-enhance, nagmasid siya sa paligid.

Suot niya ang kanyang garb at mag-isa lang siya roon dahil naka-assign sa iba't ibang parte ng bayan ang mga kasama n'ya.

Pito na ang nahuli niyang mga kriminal. Walang malay ang mga ito na nakabulagta sa rooftop ng abandonadong hotel na 'yun. Lahat ay nakagapos gamit ang spelled ropes provided by Tryx. Walang bampira ang makakawala sa lubid na ginamit nila. The academy made sure of it.

Isang Pureblood na lang ang kulang at matatapos na siya. Kumusta kaya ang mga kasama n'ya?

Binuksan na rin niya ang kanyang vampire hearing. Nakinig siya. Screams would be a good indication of something going on.

Ilang minuto siyang alerto at tahimik hanggang sa may narinig nga siyang sigaw ng isang babae two blocks away.

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nakarinig din siya ng growling na para bang galing iyun sa isang rabid dog.

Walang pan-aalinlangan na tumalon siya mula sa rooftop papunta sa pinakababa, sa isang alley. May sixty floors yata ang building na 'yun.

She landed safely and quietly.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad na siyang tumakbo papunta sa tingin niya ay may nangyayaring krimen.

Narinig nanaman kasi niya ang malakas na sigaw ng babae.

Hinugot niya ang kanyang dagger mula sa kanyang belt. Ito iyung ibinigay ni Tryx.

Walang ingay na patuloy siya sa pagtakbo. Makulimlim ang panahon at mukhang malapit nang umulan kaya wala masyadong katao-tao ang mga daan at alleys.

Narating ni Kam ang block kung saan niya narinig ang sigaw at agad siyang napatigil nang makita ang isang naka-hood na pigura. Sa mga braso nito ay isang babae na lupaypay na at naiwang bukas ang mga mata nitong wala nang buhay.

"Stop!" sigaw ng dalaga.

Nanigas ang katawan ng salarin na para bang hindi siya napansin agad. Dahan-dahan ang paglingon nito at si Kam naman ang natigilan nang makita ang mukhang nagtatago sa ilalim ng malaking hood.

She needed a Pureblood and this wasn't a Pureblood. Mapupula ang nanlilisik nitong mga mata. Malalalim ang cracks sa mukha nito.

The Turned vampire hissed. Tuluyan itong tumayo nang tuwid at pabagsak na binitawan nito ang babaeng biktima.

Napalunok si Kam. She wasn't able to save her!

She failed this woman.

Ngayon pa lang ay humihingi na siya ng patawad dito at sa pamilya nito.

Ano'ng klaseng Sentry siya kung hindi n'ya naman kayang iligtas ang mga nasa paligid n'ya?

And this wasn't the first time that this happened? She also failed Nova last school year.

She just kept failing.

All this hardwork and extra trainings she did, hindi pa rin sapat para makapagligtas ng buhay.

"Well, well, well. Look who's here. Kam, long time no see."

Kam gasped. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang dagger.

Kilala niya ang Turned na ito kahit na halos nabalot na ng dugo mula sa babae ang buong mukha nito.

"Are you here to punish me?" he mocked. He licked his bloody fangs, taunting her.

She should have known that this man was bad news when she met him at the club.

"You bet I am... Leo."

All reasons vanished.

Revenge was written all over Kam's face. Magbabayad ito sa ginawa nito sa kanila, lalo na kay Nova, a few months ago.

She would kill him.

***
Hi, guys. Ayan three chapters. Medyo busy 'coz I'm in the process of preparing for my visit to the Philippines. In 7 years, this is just the 2nd time (1 week lang 'yung first visit ko in 2019) kaya I'll make it worth it. So excited to see Pinas again! 😍

'Yan lang muna. 👋

Sana na-enjoy n'yo ang updates.

@immrsbryant

Blood MenaceKde žijí příběhy. Začni objevovat