"Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Levi. Akala niya umuwi ka na," salubong na tanong sa'kin ni Kat nang matapat ako sa cubicle niya.

"Nag kape lang. Kanina pa dumating?" I asked her as I looked at Levi's office.

Nakita ko pa ang pag-irap niya nang tumingin muli ako sa kaniya kaya nangunot ang noo ko.

"Oo, Rae, kasama si Ms. Marichu. Nandoon pa nga sa loob, hindi pa lumalabas hanggang ngayon," sagot nito sa'kin.

Hindi ko na siya sinagot, sa halip ay dire-diretso akong tumungo sa office niya without knocking the door. Nang mabuksan ko ang pinto ay nadatnan ko si Mari sa tabi ni Levi na nasa swivel chair habang nakayuko, kitang-kita ko na ang kaluluwa niya dahil sa pagyuko niyang 'yon. As if Levi is discussing something to her.

Nang makita nila ako ay tumayo agad si Levi habang ang Mari na 'yon ay ngumisi sa isang tabi. Tamad na tumingin ako kay Levi na agad na dinaluhan ako.

"May dini-discuss lang ako," marahan niyang sambit sa'kin kaya napatango ako.

"Okay lang. Do you need anything? Coffee? Tea?" I casually asked him which made him furrowed his forehead.

"Are you okay?" Takang tanong niya sa'kin kaya tumango lang ako at nagkibit-balikat.

"Oo, bakit?"

"Wala. Ang akala ko galit ka. Can we talk after this? I don't need anything, I just need you here with me," pang-aalo niya sa'kin kaya napatango na lang ako.

Iginiya niya ako patungo sa sofa malapit sa table niya. He told me to just rest while they were having discussion at agad na bumalik siya sa swivel chair niya, not minding Marichu's posture na sa tingin ko ay sinasadya niyang ipakita iyon kay Levi. Nang mapadako ang tingin niya sa'kin ay inirapan ko agad siya. Kumuha lang ako ng magazine roon at kunwaring nagbasa.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. When I went home that night, saka ko lang na-realize lahat. What I did that night was wrong. I should've listen to him when he was calling me pero naunahan ako agad ng inis at galit ko. Pakiramdam ko kasi ay sobrang kaunti pa lang ang alam ko tungkol sa kaniya kumpara kay Mari.

"So, let's proceed to the contract signing tomorrow?" Dinig kong tanong ni Mari kay Levi kaya napatingin ako sa kanila.

I raised an eyebrow when I saw how she sat down on Levi's table on purpose. Nagdekwatro pa ito kaya tuluyan nang lumantad sa harapan ng huli ang legs nito.

Ano bang ginagawa niya? Was she trying to seduce my boyfriend in front of me?

I saw how Levi immediately look away from her at itinutok sa'kin ang tingin kaya halos bumunghalit ako ng tawa.

"Let's have a meeting tomorrow about that. Mahirap kausap ang mga Chua. I need to eat first," I heard Levi said to her at akmang tatayo na nang pigilan siya ni Mari.

Napataas ang kilay ko nang makita ko ang pagdausdos niya ng kamay niya sa dibdib ni Levi. Ramdam ko ang pag-iksi ng pasensya ko dahil sa nakikita ko, ngunit hinayaan ko muna iyon dahil gusto kong makita kung anong gagawin niya. I want to know how low this woman can go when it comes to him.

"I told you, let's have lunch toge—"

"I know what you're doing, Mari, so stop it. Napag-usapan na natin 'to and I hope you understand," mariin na sinabi sa kaniya ni Levi at iniwan na siya roon para puntahan ako.

Nang makalapit siya ay agad akong tumayo at sinalubong ang tingin na iyon ni Mari. I smirked on her then wave at her.

"Bye, Ms. Mari," pang-aasar ko sa kaniya at nagpahila na kay Levi palabas sa office niya.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now