Levi

I'm on my way there, Love.

Nakatitig lang ako sa text message na 'yon galing sa kaniya. When I decided to trust him that night, I do. Walang halong kasinungalingan. No doubt or anything else. Siguro ako lang ang nag-iisip nito. Besides, kung talagang nilapitan niya lang ako dahil sa kamukha ko si Mari, bakit hindi na lang niya mahalin nang malayo ang babaeng 'yon noon, 'di ba? If she was Levi's first and greatest love, bakit hindi nila tinuloy, e hindi naman sila totoong magkapatid.

"There you go. Sobrang ganda mo talaga, Ma'am Rae. Ibang klase ka," Anika told me when I walk outside of the room kung saan ako nagbihis.

Hinarap niya ako sa malaking salamin at laglag ang panga ko nang makita ko ang sarili ko roon. I am wearing an A-line, v-neck blushing pink beaded long gown. Ang slit no'n ay umabot sa legs ko habang ang likod ko ay kitang-kita. Wala akong masabi sa itsura ko dahil para akong naging ibang tao dahil sa ginawa sa'kin ni Anika. Hindi ko talaga akalain noon na kaya kong dalhin ang mga ganitong kasuotan dahil lagi lang naman akong nakapangmanang na damit noon.

"Wow," I uttered while staring at my whole posture.

"Sir Levi would be so happy to see you, I'm sure of that," I heard Anika said to me kaya hinarap ko na siya.

Bago pa ako makapagpasalamat sa kaniya ay narinig ko na ang pagtunog ng chimes at iniluwa ng pinto si Levi kaya awtomatikongnatutok ang tingin ko sa kaniya.

He was wearing a black tuxedo, naka-coat and tie na ito at kakulay ng gown ko ang panloob niyang polo kaya napangiti ako. Siya nga pala ang nagdala sa'kin dito para ayusan ako. I'm starting to like this matchy things in couples.

I saw how he stared at me from head to toe at huminto ang tingin niya sa mga mata ko. I can see how happy he is dahil siguro sa nakikita niya o kung may iba pang dahilan ay hindi ko na alam kung bakit. Mabilis siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako sa labi nang mariin. Hinampas ko pa siya sa braso niya dahil naalala ko bigla ang lipstick ko.

"Okay lang, Ma'am. Retouch na lang natin," natatawang sambit ni Anika.

"Are you ready? Nagmamadali akong balikan ka rito dahil hindi ka nag reply sa text ko. Are you mad at me?" marahan niyang tanong sa'kin kaya nangunot ang noo ko.

Hinanda ko na ang sarili ko at kinuha ang maliit na pouch na dadalhin ko sa party. Ramdam ko ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'm not. Why would I be?" I asked him. I saw how he furrowed his forehead.

He tilted his head to kiss my earlobe.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDWhere stories live. Discover now