Nabitiwan ko tuloy ang basong hawak ko na may lamang tubig at bumagsak iyon sa paa ko saka nabasag.

"Aw! Shit!" bulong ko.

Mahapdi ito ngunit mas napansin ko ang mabilis na pagluhod ni Levi sa harapan ko para tingnan ang paa ko. Si Yerim at Rafa ay patakbong lumapit sa'min.

"Oh my god! What happened?" Yerim asked in an over-reacted shocked face.

Napangiwi lang ako sa kanilang dalawa dahil sa hapding dala ng baso na nabasag sa paa ko.

"N-nabasag ko—"

"Stop moving. Ako na ang bahala rito," mariing sambit sa'kin ni Levi dahil akmang luluhod din ako para tulungan sana siya.

Napanguso lang ako saka tumingin sa dalawa.

"Kaya mo na 'yan, Lev?" Rafa asked him.

Saglit na tumingala si Levi sa kaniya saka tumango.

"Yes, Raf. Sa kwarto ko na lang lilinisin. Nandoon kasi ang first aid kit ko," aniya saka bumaling sa'kin ng tingin.

He just smirked on me kaya inirapan ko lamang siya.

"Okay! Baka kung ano pa ang linisin mo, a," makahulugang sinabi sa kaniya ni Yerim and gave me a dirty look.

Bago ko pa siya mabato ng kung ano ay mabilis na silang nakabalik sa sala. Nang bumaling ako kay Levi ay nakangisi pa rin siya kaya tinulak ko siya.

"Bakit ka kasi nanggugulat?" I asked him in frustration.

Narinig ko lang ang paghalakhak niya muli. Nang makalapit siya sa'kin ay mabilis nitong pinadulas ang kamay niya sa baywang ko and in one swift moved ay nabuhat na niya ako.

"Hindi kita ginulat. Alam kong alam mong nasa likuran mo na ako. Stop being so defensive, Lumiere," nang-aasar na sinabi niya sa'kin kaya napairap lang ako.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ito o ano. Pakiramdam ko ay gumagawa talaga siya ng paraan para maasar niya ako sa kahit napakaliit lang na dahilan.

Nang ibaba niya ako sa kama niya ay binuksan niya ang ibabang cabinet ng side table niya at kinuha roon ang first aid kit.

"Kaya ko na," I uttered at akmang kukunin sa kaniya ang betadine, ngunit mabilis niya iyong binawi.

He looked at me intently.

"Bakit ba ayaw mo ng tinutulungan ka?" seryoso niyang tanong sa'kin sa tono ng naiirita.

I heave a deep sigh and looked away from him. Napako ang tingin ko sa sugat ko sa paa.

"Ayoko lang magkaroon ng utang na loob sa'yo," tamad na sinabi ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla siyang nagpakawala ng iilang mga mura kaya napatingin muli ako sa kaniya. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang naglalagay ng betadine sa bulak.

"Stop saying that, Lumiere. You know how serious I am to you. Huwag mo nang ipagpilitan 'yang mga iniisip mo," mariin nitong sinabi sa'kin.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga at pag tingin ko'y inayos niya ang damit niya. Lumapit siya sa'kin at naaamoy ko na naman ang pabango niyang 'yon. Sobrang manly.

Kumuha siya ng isa pang bulak at binasa iyon ng alcohol saka nilagay sa sugat ko. Napapikit ako at napamura nang maramdaman ko ang sakit doon.

"Aw..." I uttered and bit my lower lip.

Nang mabaling ang tingin ko sa kaniya ay bahagyang nanliit ang mga mata nito ngunit nanatili pa ring seryoso.

"The next time you'll bit that lip again, I'll leave you breathless," he said while still looking at my lips.

The Night in Tierra Fima | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon