"There's a pimple in my forehead. Fuck." Sabi pa niya sakin habang nakavideo kami natawa tuloy ako, ang cute cute ng Travis ko! Hindi ako makapaniwalang may ganitong side pala si Travis!

"Gwapo ka pa din naman eh! At saka isang pimple lang naman yan!" At saka ko siya hinalikan nang madaming beses sa cheeks niya at akmang kakagatin ko na sana yong tenga niya nang bigla siyang humarap sakin kaya napatigil tuloy ako sa ginagawa ko. Nagulat din kasi hindi ko inaasahan. Nagdikit na kasi yong magkabilang end ng mga ilong namin, kaunti nalang magkikiss na naman kami sa lips!

***

Magkakasunod naman akong napakurap nang marinig ko muling nagsalita si Travis. Ano ba yon? Ako 'to miss na miss ko ba si Travis, na nakatitig lang ako sa kanya may memories na namang biglang nag flashback sa isip ko? Shuta!

"As part of our deal, you as my personal maid. You should also be where I am." Hindi pa nagsi-sink in sa isip ko yong sinabi niya kaya pagkunot lang nang noo yong nasagot ko sa kanya.

"You should also be where I am." Pag-u-uulit ko naman sa isip ko nag sinabi niya.

'Kung nasan siya, dapat nandoon din ako?'

Processing...

One percent, ten, thirty, forty percent.

Sixty percent, eight, one hundred percent.

"Ayus ka lang ba?! Hindi ako pwedeng sumama kung nasan ka! Paano nalang kung mamg makakita sakin na nakakilala namin?!"

"Is that a big deal?"

"Wanted nga ako sa mga kakilala namin diba?"

"I'm here to protect you." Sagot naman niya bigla sakin na nagpabilis sa tibok ng puso ko pero kailangan kung maging matibay, walang lugar ang pagiging marupok ngayon!

"Wow! Maniwala tanga!"

"Stop cursing Kourtney. I don't like women who curse."

"Hindi naman ako yong babaeng gusto mo kaya wala akong pakialam kung ayaw mo sa mga babaeng nagmumura." Hindi na ako yong Kourtney na kilala mo! Sigaw ko pa sa isip ko. Nag glare naman siya sakin pero hindi ako nagpadala at umirap ako sa kanya.

"Kaya mo siguro ginagawa 'to para ipahiya ako noh?! Para kapag nakita ako ng family mo, mga board members na ka-office ni dad noon at mag tatanong sila kung bakit tayo magkasama proud na proud kang sabihin sa kanila na personal maid ako! Ano magsusuot din ba ako ng maid uniform?!" At bago pa siya makasagot sa sobrang sama ng loob ko sa gustong mangyari ni Travis, nag walk out na ako. Tumakbo ako palabas nang balcony papunta sa may tabing dagat.

Mabuti nalang talaga at nacontrol ko yong pag-iyak ko, kaya laking pasasalamat ko na tumulo yong mga luha ko nung nakaapak na yong mga paa ko sa buhangin.

At sa lakas nang tunog ng mga alon, kaya umiyak ako ng malakas walang makakarinig sakin. Habang tumatakbo ako palayo sa beach house, umiiyak din ako at hindi ko maiwasang mapahikbi.

Takbo lang ako nang takbo at nahinto lang ako nung naramdaman ko na yong sakit ng mga binti ko sa pagtakbo, pabagsak naman akong naupo sa may sand habang umiiyak pa din. Dala na din siguro nang matinding pag iyak ko, mas lalo kung naramdaman yong pagod ko.

"Buset ka! Tangina mo! May araw ka din!" Sigaw ko pa kasi confident naman akong hindi ako maririnig ni Travis. Kumuha din ako ng basa basang mga sand at saka ko hinulma sa fist ko na naka-close at saka ko binato sa mga alon sa sobrang frustrated at inis sa mga nangyayari.

"Eh di si Kim na yong mahal mo! Kayo na nagmamahalan! DIbale ang matatanda ay para din naman sa matanda! Eh di magsama kayo! Porque kahit na lumipas na ang ilang taon gwapo ka pa din kung makapag malidita ka dyan! Hindi mo ba alam yong word na karma?! Ano tuwang tuwa ka na problemado ako at nahihirapan ako?! Sana man lang pinakinggan mo yong side ko! Hindi ko alam yong ginagawa ni dad noon, wala akong alam sa fraud na kinasangkutang niya! Pero bakit ganun?! Bakit pakiramdam ko lahat kayo pinaparusahan ako?! Na para bang ako yong may pakana nang lahat!" At saka ko kinulong yong mukha ko sa dalawang palad ko kasi mas lalo pa akong naiiyak.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now