15 10 3
                                    

Sa bawat gabi na lumilipas
Ang malabo mong larawan sa isip ay hindi kumukupas
Maging ang boses mo'y sa aking tenga'y pumagaspas
At patuloy kang iniisip na parang wala'ng bukas




Kahit nanglalabo ang mga mata
Patuloy pa rin sa pagbabasa
Upang masubaybayan ang iyong estorya
Na nagpapakompleto ng araw ko kahit ang ulo'y sumasakit na




Minsan naitanong ni mama 'may nobyo kana ba?'
Dahil sa ngiti kong hindi mabura-bura
Kapag hawak ang telepono habang nagbabasa
Pero ang tanging sagot ko sa kaniya 'Mayroon na akong asawa ma'




Kahit sa paaralan ay naghahanap ng lalaking umiigting ang panga
Ngunit ni isa ay wala akong makita
Kahit halughugin ko man ang buong planeta
Ika'y walang katulad at nag iisa




Ikaw ang dahilan ng aking pagtawa sa hating-gabi
Sa aking pag-iyak gabi-gabi
Dahil sa estorya mong naghahalong saya at pagdadalamhati
Pero sa bandang huli masasabi kong ika'y nakakabighani




Maraming nagsasabi na wala akong makukuha sa pagbabasa
Hindi nila alam na ito ang pinagkuhanan ko ng saya
Hindi ko pinansin ang mga paninira nila
Dahil sa pagbabasa ko nakilala ang lalaking hinahangad kong makasama









-patuloy magbasa hanggang sa malagotan ng hininga! Charot

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KATHANG-ISIP LAMANGWhere stories live. Discover now