Kabanata 24 - Angel's liberated side.

Start from the beginning
                                    

Dahil hindi matagalan ang nakikitang eksena na dumudurog na sa kaniyang damdamin ay padabog siyang tumayo. Isang maling kilos na ginawa niya sapagkat bigla siyang nahilo at halos ang naging tingin niya sa paligid ay tila umiikot. Napasapo siya bigla sa kaniyang ulo. Kanina ng nakaupo lang siya tila normal lang naman lahat sa kaniya pero ngayon ay napatunayan niya ang epekto na ng dami ng nainom niyang beer.

Hindi nakaligtas sa presensiya ni Aidem at Yvest ang ginawang iyon ni Angel na nakapagpahiwalay sa labi ng mga ito. Mabilis naman hinawakan ni Aidem ang braso ni Angel para alalayan ito. Kung hindi niya iyon ginawa malamang na natumba na ang dalaga.

"I think marami na masiyado ang nainom mo," ani Aidem sa dalaga.
Pinilit naman ni Angel na hilahin ang brasong hawak ni Aidem sa kabila ng pagkahilong nadarama.

"Bitiwan mo nga ako! Kaya ko ang sarili ko!"

"Maupo ka nga ulit. Huwag kang malikot para hindi ka mahilo!"

"Wow ha. conserned bigla? Pwedi ba, tigilan mo ako sa paandar mo na iyan, Palaka. nakakahiya naman sa fiancee mo!"

"Ang sinasabi ko lang maupo ka!"

"Ayoko nga! Wala naman saysay na manatili pa ako rito dahil mukhang wala na rin naman planong bumalik si Dylan kaya ituloy niyo na ang paghahalikan ninyo. At lilipat na lang ako."

Puwersa niyang hinila ang brasong hawak ni Aidem kaya nabitiwan naman iyon ng binata. Wala na nagawa si Aidem kung hindi sundan na lang ng tingin si Angel habang papalayo na sa kanila.

"Sa tingin mo ba magandang ideya na siya mismo ang maging wedding planner sa kasal?" tanong ni Yvest.

"Kailangan, Yvest at alam mo iyan. Nasabi ko naman sa iyo hindi ba kung bakit. Huwag mong sabihin sa akin ngayon na nagbago na ang isip mo sa pagkuha ko sa kaniya as a wedding planner?"

"Oo nga nasabi mo nga sa akin ang dahilan. Pero kahit saan angulo ko tingnan indi ito magandang ideya. Sinasabi ko sa iyo Aidem, masiyado mong masasaktan si Angel."

"Iyon nga ang gusto ko talagang mangyari."

Napailing si Yvest sa sinabing iyon ni Aidem. "Ang laki ng ipinagbago mo talaga pagdating sa kaniya at nakakalungkot iyon. Kung hindi lang talaga kita mahal hindi ako papayag sa gusto mong mangyari."

"Wala naman nang problema, pumayag na siya at iyon ang tanging mahalaga. So, all I have to do is relax. Siya ang magiging madalas mong kasama sa pag-aasikaso ng kasal at ikaw na ang bahala sa iba pa. Do your part."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hmp!" Sabay ingos ni Yvest at taas ng kanang kilay.

"Kaya na niya raw ng isang buwan na maiayos ang kasal. Well, lets see kung makakaya nga niya," ani Aidem.

"Masiyadong mabilis iyon pero mas mainam kung ganoon para maharap na natin ang dapat nating harapin pareho," tugon naman ni Yvest.

"Anyway how is he," tanong ni Aidem.

"Ah, siya ba?" ani Yvest na alam kung sino agad ang tinutukoy nito. "He's okay. Wala kang dapat alalahanin sa kaniya dahil nakatitiyak akong walang mangyayaring aberya sa special na araw na iyon nang dahil sa kaniya."

"Good," saad ng binata.
Iginala nito ang paningin sa paligid. Malakas ang kutob niyang hindi aalis si Angel sa bar na ito para lumipat pa. Sure siyang nasa paligid lang ito. Biglang naningkit ang mata niya ng mahagip ng kaniyang paningin ang dalaga sa bar counter. Matutuwa na sana siya na nakita ito pero ang mga sumunod na pangyayari ang hindi niya nagustuhan ng tumayo ito habang inaalalayan ng kasamang lalaki. Plano na yatang umalis kasama ito.

Tiyak niyang hindi si Dylan iyon dahil nag-text sa kaniya ang kaibigan na uuwi na ito at kailangan na nga niyang puntahan si Angel. Hindi nga niya agad ito pinuntahan sapagkat hinihintay nga niya ang pagdating ni Yvest muna tsaka siya eeksena.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now