CHAPTER XV NAG IBA KA NA

Start from the beginning
                                    

"oh, may dumi ka sa bibig."

Pinunasan ni Kim yung bibig ni Jansen.

"how sweet of you"

Hinalikan ni jansen sa noo si Kim. Sige lang ipagpatuloy nyo lang yan! Kagatin sana kayo ng mga langgam sa sobra nyong kasweetan!! Magsisisi kayo at dito nyo pa piniling mag lambingan!

Nang maTapos na kaming kumain. Yung dalawa pumunta na sa living room at tsaka nanood ng tv. Tapos ako, naiwang walang ginagawa. Ayos din tong mga to. Di man lang ako niyayang manood.

Syempre, binabantayan ko si Kim. Umupo na rin ako sa sofa. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napalingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong nahilig yung ulo ni Kim sa balikat ni Jansen. Sila na sweet! Ako na loveless!!

Tumayo ako at dahan dahan kong pinatay yung tv. Napalingon naman sakin si Kim.

"andrew, nanonood kami ni Jansen."

"nanonood ba kayo? Eh naglalambingan nga lang kayo eh!"

Tapos nag walk-out ako, pero hindi ko inaasahan na susundan ako ni Kim.

"andrew! Ano bang problema mo ha!"

Hinampas ako ni Kim sa balikat. Medyo masakit yung pagkakahampas, pero okay lang. Mas gugustuhin ko pa ngang masaktan kakahampas nya kesa naman masaktan dahil lang sa may mahal na syang iba.

"wala naman akong ginagawa ah!"

Maang maangan kong sagot.

"alam kong nananadya ka na! Please andrew. Tumigil ka na! Patahimikin mo naman kami ni Jansen!"

Tsaka umalis si Kim. Pumunta na lang ako sa kwarto ko at doon nag isip isip. Kailan kaya ako magiging masaya? Gustong gusto ko na kasing maramdaman yun eh, puro na lang kasi kadramahan sa buhay ang nalalaman ko. Sa bawat araw na dumadaan, pinipilit ko namang maging masaya eh. Pinipilit kong makalimot. Pero wala eh, hindi ko kaya. Dumadating pa rin sa puntong lumalabas ang totoo kong nararamdaman. Minsan nga mas gusto ko ng maging plastic kesa magpakatotoo. Ang hirap kasing magpakatoo. At hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang pagpapakatotoo ko, ang hirap ng ganitong sitwasyon. Harap harapan na nila akong pinagmumukhang tanga pero eto pa rin ako. Nagpapaka okay kahit sobrang hindi na.

Ilang beses ko nang tinatong to sa sarili ko.. At ngayon, alam ko na ang sagot.

Bibitawan ko na ba si Kim?

"OO" oo, hindi dahil pagod na ako.Oo, hindi dahil sawa na akong suyuin sya. OO, hindi dahil takot ako kay Jansen.

OO dahil sa gusto ko syang maging masaya. Kung si Jansen lang ang makakapagpasaya sa kanya okay lang kahit kapalit pa ng gagawin kong to ay ang sobra sobrang pasakit. Okay lang tatanggapin ko basta para kay Kim.

Buo na ang desisyon ko, ito na ang tamang oras para magparaya.

KIM's POV

Kakauwi lang ni Jansen sa kanila. Nadagdagan nanaman ang masasayang araw namin na mag kasama. Ang saya ko lang talaga, sana dumating yung araw na hindi nya na kailangan pang umalis sa tabi ko. Na darating ang araw na kaming dalawa rin ang magkakasama sa hirap at ginhawa. Pero paano namansi Andrew?

Hindi ko naman kakayanin na basta basta na lang syang itapon. Mahalaga sakin sakin si andrew, sa loob ng pagsasama namin ay naging mabait naman sya sa akin.

"kim..."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko Si andrew. Lumapit pa sya ng kaunti sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.tsaka nya inabot sa akin yung cellphone ko.

"andrew.. Anong ibig sabihin nito?"

"pinapalaya na kita"

Parang nabingi naman ako sa sinabi ni Jansen. Pinapalaya? Ibig sabihin pababayaan na nya akong mapunta kay Jansen? Pinapaubaya na nya ako kay Jansen? Ganun

BABY ON BOARDWhere stories live. Discover now