Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)

Start from the beginning
                                    

Sinubukan niyang puntahan si Ate Elisa upang tawagin sa kusina ngunit nalaman niyang masinsinang nag-uusap pala ito at si Ginoong Danilo. Lalabas na lamang ang dalawa kapag nais na nilang kumain. Si Binibining Eloisa naman ay hindi nais kumain dahil siguro sa pinag-uusapan nina Ate Elisa at ng asawa nito. Alam naman niyang pinakikiusapan ni ate na tanggapin ni Ginoong Danilo si Binibining Eloisa bilang bagong asawa nito sakaling mamatay si ate. Mariing umaayaw ang ginoo at naiintindihan niya ito. Hindi naman dahil na kay Binibining Eloisa ang mukha ni ate ay mamahalin na rin ito ng ginoo.

Hinayaan na lamang niyang maresolba ng mga ito ang problema at bumalik na siya sa kusina. Pagkapasok na pagkapasok niya doon ay bigla naman niyang natandaan na hindi pa pala niya natatawag si Ginoong Crisostomo. 

Palaging si Ginoong Danilo ang nagyayaya sa kuya nito na kumain ngunit ngayon nga'y may pinag-uusapan pa ito at si Ate Elisa kaya naman tiyak na hindi ito makakapunta sa kapatid. 

Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan ba niya ang ginoo o hindi. Alam niyang nasa kwarto nito ito dumiretso dahil sa pagod. Maaaring nakatulog ito ngunit nang mapalingon siya sa kaniyang mga niluto ay napaisip siya na baka lumamig na ang mga iyon kung hindi niya tatawagin ang ginoo.

Kahit na nag-aalangan ay nagsimula siyang maglakad papunta sa hagdanan at dumiretso sa silid ng ginoo. Alam niya kung saan ito natutulog sapagkat siya mismo ang naglinis ng silid nito nang sabihin ni Ginoong Danilo na makikitulog paminsan-minsan ang kapatid nito dito sa mansyon.

Mahina siyang kumatok sa pintuan nito ngunit wala namang sumasagot. Mas lalakasan na sana niya ang kaniyang mga katok nang mapagtanto niya na nakaawang pala iyon at mukhang hindi nasarado. Kahit na nag-aalangan ay unti-unti niya yaong binuksan at sumilip sa loob. Agad na nahagip ng mga mata niya ang nakadapang porma ni Ginoong Crisostomo sa kama. Tila ba dahil sa pagod ay diretso lamang itong bumagsak roon. Ang ulo nito ay nakatagilid habang ang kamay at paa ay nakabitin sa kada bahagi ng kama. Mukhang hindi kasya ang malaki nitong katawan roon. 

"Gi-Ginoong Crisostomo?" nag-aalangan niyang tawag rito ngunit hindi siya nito sinagot. Nakapikit pa rin ang lalake at tila ba tulog na tulog. "Kakain na po .  . ." dagdag niyang ika dahil bakasakaling magising na ito.

Nang hindi pa rin ito sumagot ay nahihiya siyang lumapit sa ginoo at lumuhod sa may gilid ng kama. Pinatong niya ang ulo roon upang magkapantay ang mga mukha nila at pinagmasdan ang mahimbing nitong pamamahinga. 

Kahit sa pagtulog ay nakakatakot pa rin itong tignan. Nakakunot ang noo nito na para bang may pinoproblema. Nanginginig niyang tinaas ang kamay at nilapit iyon sa mukha ng lalake. Gamit ang mga daliri ay maingat niyang hinaplos ang noo nito na para bang inaalo ang lalake. Unti-unting nawala ang kunot mula roon na nagpangiti sa kaniya. Nabigyan siya ng dagdag lakas-loob kaya naman binaba pa niya ang kaniyang mga haplos sa makapal nitong kilay, papunta sa pisngi nito hanggang sa matulis nitong panga. Kahit na anong gawin ay napakagandang-lalake ng ginoo.

Nalipat ang kaniyang atensyon sa matipunong braso nito at sa kamay na nakabukas na para bang nais mahawakan.

Ano kayang pakiramdam na mahagkan at mahawakan ng isang matipunong lalake katulad nito?

Ano kayang pakiramdam na alam mong may ginoong sisiguraduhin ang kaligtasan mo?

Ano kayang pakiramdam na maging binibini nito?

Hindi na siya nagdalawang-isip at nilapit ang kaniyang kamay sa kamay ng ginoo. Unti-unti niyang pinagdaop ang kanilang palad habang iniisip na kahit ngayon lamang ay nais niyang mangarap na sa kaniya ang lalake. Siguro lubog na lubog siya sa kaniyang iniisip sapagkat mabilis siyang napamura nang biglang isarado ni Ginoong Crisostomo ang kamay nito. 

"Mierda!" gulat niyang ani habang pilit na binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng ginoo. Nais niyang kainin ng lupa dahil sa kaalamang nahuli siya nito. Ilang ulit pa niyang sinubukang makatakas ngunit tila bato ang kalaban niya kaya naman nahihiya siyang tumingin sa mukha ng lalake.

Gusto niyang mapaiyak sa hiya nang makitang diretsong nakatingin lamang ito sa kaniya. Tila ba natutuwa pa sa katangahang ginawa niya. Papakiusapan niya sana ito na bitawan na siya ngunit bago pa man niya maibuka ang bibig ay bigla namang nagsalita si Ginoong Crisostomo sa lenggwaheng hindi niya maintindihan.

"If you're gonna curse at me, do it while you're moaning underneath me."




"If loving you is a sin, sinner I'm ready to be."  - My Sin In His Past

What sin would Zynder commit?

Is it loving his sister, Victoria?

Or is it loving a gay boy named Pedro?




A/N: This would be the main love triangle for the third book. :)

P.S. I'll try to update tomorrow. Inuna ko lang po ito at baka makalimutan ko na naman. 😊

My Everything In His Past (2nd Book of 'In His Past' Series)Where stories live. Discover now