Chapter 1

44 3 0
                                    

Takot

Roxanne's Pov

"Hello Gab?! Where the fck are you kanina pa ako nag hihintay dito!!"

Kausap ko ngayon si Gab, dahil may usapan kaming sabay na pupunta sa bar kaninang 6:00 pm pero 30 minutes na akong nakatayo dito sa labas ng mall.

"I've been waiting here for 30 fcking minutes!!" Halos mapatingin na sakin ang mga taong dumadaan dahil sa lakas ng pagkaka sigaw ko kay Gab.

"Roxanne, relax I'm on my way na, naabutan kasi ako ng rush hour, ang bagal ng usad." kalmadong sagot nya na para bang sanay na sanay na sa paggiging masungit ko.

"Okay, I'll end the call na, basta bilisan mo" hindi ko na siya pinag salita pa dahil binaba ko na ang tawag.

Habang nag hihintay ay pinanuod ko na lang ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada para maibsan ang pagkabagot.

Nagulat ako ng biglang may matandang babae na kumalabit sa aking balikat. Wala itong suot na tsinelas. luma at marumi na rin ang kanyang suot na mahabang saya, kapansin pasin din ang kanyang malalaki at dilaw na mga ngipin.
Nandidilat ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Eww!! Ano ba wag mo nga akong hawakan!! Ang dumi dumi mo!!" Nandidiri ako, kaya agad kong pinagpagan ang balikat ko na hinawakan nya at dali daling kumuha ng sanitizer sa bag.

"Pasensya na po ma'am, gusto ko lang sana humingi ng kaunting barya, ilang araw na po kasi akong walang kain" saad nito at bahagyang yumuko.

"Pasensya? Humingi? Hahahaha!! " sarkastiko kong pagtawa at nilagyan ng sanitizer ang kamay saka agad itong ibinalik sa loob ng bag.

"Anong akala mo sakin bangko, at bakit naman kita tutulungan aber? Bakit ba kayong mahihirap hindi marunong mag sumikap, lagi nalang kayong umaasa sa pera ng ibang tao!" Sigaw ko sakanya. Totoo naman eh lahat ng mahihirap pera lang ang habol.

Kagaya nung 8 years old ako, sobrang saya ko nun kasi kinuhanan ako nila mommy ng yaya, sobrang nakuha ng katulong na yun ang loob ko, napalapit ako sa kanya at tinuring siyang parang parte ng pamilya namin. Pero nag kamali ako sa pag bibigay ng tiwala sa kanya, lahat ng ipinakita nya sa amin ay parte lang pala ng totoo nyang balak. Nang gabing tulog na ang lahat at wala sila mommy sa bahay dahil may importanteng pupuntahan sa Nueva Ecija, pumuslit sya sa kwarto ng parents ko at kinuha lahat ng ari-arian nila mommy at tumakas. Nag tago sya at ni hindi man lang nadakip ng mga pulis. Pag katapos ng insidenteng yun wala na akong pinagkatiwalaan pa bukod sa sarili ko at bumaba na rin ang tingin ko sa mga mahihirap.

"Umalis ka na nga ang baho baho mo!"  sigaw ko, tumabi ako ng bahagya at tinuro ang daan para maka alis na ang babae sa harapan ko.

Hindi pa rin gumagalaw ang babae at masama ang titig nya sakin. Tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng takot ng unti unti siyang ngumiti habang nandidilat ang mga mata.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan! Ang sabi ko alis!!" Sinusubukan ko pa ring maging matapang kahit na nangangatog na ang tuhod ko dahil sa takot.

Ngayun ko lang din napansin na halos wala ng tao sa paligid dahil gabi na, kaya mas lalo akong nakaramdam ng matinding takot.

Hindi pa rin nawalala ang nakakatakot na ngiti sa mukha ng matanda. Hanggang sa tumawa sya ng nakakatakot at napakalakas dahilan upang manginig ang aking buong katawan, gustohin ko mang sumigaw o tumakbo ngunit hindi ko na magawa. Tumigil sya sa pag tawa at dahan dahang lumapit sa akin, sa bawat paghakbang niya paharap ay siya ring paghakbang ko paatras.

"A-anong g-gagawin mo s-sakin?" Nauutal kong sabi.

Dahan dahan siyang lumapit sa tenga ko at may ibinulog na mga salita na hindi ko maunawaan kung anong lengguahe.

Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ko sa lupa at ang huli kong narinig bago mawalan ng malay ay ang mga katagang......

"Oh kay gandang panaginip mahal kong Alejandro"

 .............

See u sa next chap.... <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlejandroWhere stories live. Discover now