Chapter 36

2 0 0
                                    

[Hello nak? Kamusta ka?] Tanong ni papa sa'kin. Kakagulat nga e' kilala niya pa pala ako.








Si papa, may pamilya na siya sa ibang bansa. Hindi na rin daw niya gusto bumalik, pero nag offer siya sa'kin noon na sumama sa kaniya nung.. nung nag kapamilya na rin si mama sa probinsya. Oo, kaya hindi na siya bumalik, nag stay na siya roon dahil nabuntis siya ng lalaking nakilala niya roon. Hindi ko na lang siya pinakealaman dahil matagal na rin naman silang hiwalay ni papa. 'Yon na rin 'yong dahilan kung bakit namuhay na rin ako mag isa. Lalo akong naging mag isa, nung nawala si Cleo at nawala si.. si Mios.








"Okay lang pa. Ikaw po ba?" Tanong ko sa kaniya.








[Maayos lang ako rito nak, congratulations nga pala ha? Ang galing mo! Nakayanan mo mag isa..] sabi niya sa'kin. Halata ang tuwa sa boses niya kaya napangiti na lang ako.








"Pa gusto ko mag aral ulit." Sabi ko.








Oo gusto ko mag aral uli. Gusto ko magkaroon ng sarili kong kumpanya. Gusto kong matuto pa lalo.








[Talaga anak? Sigurado ka?] Tanong niya.








"Opo pa.. gusto ko magkaroon ng sarili kong ari-arian.." sabi ko







[Mag sabi ka lang sa'kin nak.. pag aaralin kita uli. Walang problema naman sa'kin.. e' san mo ba gusto mag aral?] Tanong niya.







"Diyan po sana sa Italy..." Kinapalan ko na ang mukha ko. Gusto ko na rin kasi talaga umalis dito sa Pilipinas, sobrang sakit na rin ng naranasan ko dito. Wala na rin naman akong maiiwan.







[Sige anak! Tatanggapin ka namin rito ng tita mo!] Sabi niya sa'kin.







"Sige na pa. Gabing gabi na rin dito, salamat po! Goodnight." Sabi ko bago patayin ang telepono. Masaya ako dahil sinusuportahan ni papa ang gusto ko.

Forever Is Composed Of Nows (#2 series)Where stories live. Discover now