TPS 32: this love

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinapik ni Jackson ahg likod ni Topher, paulit-ulit, parang nananadya na at nananakit.

"Ang bait mong kaibigan, dapat kapag ikaw naman ang may nagustuhan, humiling ka ng kahit ano kay Yuan, sa dami ba naman ng ginagawa mo ngayon."

"Anong ako? Tayo!"  hindi niya iyon sosolohin, hindi naman iyon paghingi ng kapalit.

"Yan tuloy kailangan natin na magpractice," magpeperform sila sa nalalapit na aquiantance party, ayaw kasi ni Yuan na kumandidato, kaya wala itong choice kung  hindi ang magperform, ay iyon nga ang nangayari, damay silang tatlo.

................

Lumipas na ang ilang minute pero hindi pa rin dumarating si Ren, pabor naman iyon sa kanya. Unti unti nang dumidilat ang mga mata ni Ran, kinusot nito ang mata bago napatingin sa paligid.

"How long did I sleep?"

"About thirty minutes, ang cute mo pala talaga matulog." Nakangiting sabi nito sa kanya. Saka naman siya nakaramdam ng hiya, pasimple niyang hinawakan ang kanyang bibig, napatingin siya sa unan na nasa mesa.

She needs to thank him.

"Thank you for this," lalong lumapad ang ngisi ni Yuan, kinikilig siya dahil sa simpleng pasasalamat nio. Kinuha niya ang unan at ibinalik sa kanyang bag.

"I love you too."

"You don't answer thank you with that word moron," mataray na sabi nito.

"Hindi ba? Akala ko kasi pwede..." pagpapalusot ni Yuan habang nakatitig sa kilay nito na tumataas na naman. Hindi naman masama ng magbiro, baka kasi sa susunod kumagat na ito sa biro.

Hinawakan nya ang mga kilay nito, nanlalaki ang mga mata nito sa kanyang ginawa.

"what are you up too?" tanong nito.

"Itong mga kilay mo na 'to, hahalikan ko to para bumaba sa pagkakataas,"  agad na hinawi nito ang kanyang kamay. Napatawa siya sa reaksyon nito, nilalamig sa kanyang hawak.

Hay Ran, ang cute mo talaga!

Pinagtatawanan niya ang pagkainis nito ng biglang bumukas ang pinto.

Si Ren.

"Ran let's go." Utos nito sa kanyang katabi, tumingin ito sa kanya bago tumayo, nauna ng lumabas si Ren.

"Ahh," kinagat pa nito ang labi nito," I'm going and thank you again for keeping your promise." Mahinang sabi nito. She's having a hard time voicing out her emotions. Hindi naman nagmamadali si Yuan, kahit mabagal, basta ba sa end game sila din, okay lang.

"No problem, ikaw pa, sobrang lakas mo sa akin eh," natutuwang sagot niya dito, ngumiti ito sa kanya bago umalis.

Nakalabas na ito at lahat pero hindi pa rin siya makatayo. Natatakot siyang matumba sa sobrang kilig na nararamdaman!

.......................

"Ran here!" nakita niya ang kumakaway na si Grace. She had no plans on attending their acquaintance party. Yuan made her to. Pinuno nito ng message ang kanyang inbox na dapat daw makita nito ang performance na pinaghandaan nila.

At matinding kaba ang nararamdaman niya doon sa sinabi nito. Ano ang nagpabago sa kanyang isip? Kinunsensya lamang siya nito. Yuan was true to his words. Ito lagi ang dumarating kapag inaatake siya, o kung hindi man, kapag gising niya nasa tabi niya na ito.

Nakangisi.

At sa bawat paggising niya na katabi ito, mas tumitindi kung ano ang nararamdaman niya sa kanyang loob. She's starting to get too attach to him. Hinahanap na ng kanyang mata kung nasaan ito, pati ang pagtetext nito at ang pagtawag sa gabi bago matulog. Lahat ng iyon, mukhang nakakasanayan nya na.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon