chapter 8: ♡♥

6.8K 129 0
                                    

Tanya's pov

Ano ba naman tanya?? Bilisan mo sa pagkilos.. yung mga tela.. ilabas mo na at lalagyan na natin ang mga mesa at upuan.. sigaw sakin ni aling rose..

Opo!!! At pumasok na ako sa mansyon para kuhanin yung mga tela.. walang pasidlan ang tuwa ko.. sa wakas. Magkikita kami ni zack.. ilang linggo na rin simula ng pumunta sya sa canada!!
Nung ibinalita pa lang sakin ni sir harry na pupunta sila dito para sa kaarawan ng mama nya . Ay natuwa agad ako..

Pero agad ding nawala yun.. dahil kabilin bilinan kasi ni sir harry.. na bawal munang ipasok ang relasyon sa darating na linggo dahil siguradong magiging abala ang lahat.. lalo pa at kulang pa ang katulong sa mansyon.. pero ayos lang naman sakin kahit malayo sya.. nawalan na rin kami ng komunikasyon dahil nasira na ng tuluyan ang teleponong ginagamit ko ng mahigit pitong taon..

Tanya.. bilisan mo naman kumilos.. maghahanda pa tayo sa kusina..!! Sigaw nanaman sakin ni aling rose..

Tara tanya tulungan na kita!! Sabi sakin ni ana isa sa mga katulong dito.. sya lang ang tanging malapit sakin dahil sila nena at rhea ay masama ang tingin sakin dito.. si aling rose naman natural na ang pagiging masungit..

Salamat ana!! At tinulungan na nya akong ilagay ang mga tela sa upuan..

Napaka engrande ng pagdiriwang ng kaarawan ni maam carla.. sa garden inihanda ang okasyon.. tiyak ko ring maraming bisita ang darating ngayon..

Tanya.. tinatawag ka ni aling rose.. tumulong ka daw sa kusina at kami na daw ni ana ang bahala dito!! Lapit sakin ni nena..

Tinanguan ko lang sya at pumunta na ako sa kusina.. sa totoo lang kasi marunong din akong magluto ng mga putahe..
Dahil tuwing nagkakaroon ng pera sila inay at itay bumibili sila ng mga rekado at ako ang hinahayaan nilang magluto...

-----

Oras : 6:00 pm

Isa isa nang nagsisidatingan ang mga bisita.. si sir harry ang nag aasikaso sa mga bisitang pumapasok ..

Balita ko ay mamaya pang alas siyete ang dating nila..
Habang umaandar ang oras ay mas lalo akong kinakabahan pero natutuwa.. makikita ko na ulit sya.. alam ko namang maiintindihan nya ang paliwanag ko kung bakit kami nawalan ng komunikasyon sa isat isa..

Tanya!! Ang mga ibinilin ko?? Maliwanag?? Lapit sakin ni sir harry.

Opo!! Matutupad po iyon!! Ngiting sabi ko..

Maya maya lang nakikita ko nang lumalapit sa gawi ni sir harry si alex..

Hi babe!!! Sabi ng babae at tuluyang kinapit ang mga kamay sa batok para mahalikan pero bago yun ay napigipan na sya ni sir harry..

Come on alex.. marami pa akong mga bisitang aasikasuhin..!! Sabi ni sir at inalis ang mga kamay ng babae sa katawan nya.

Nangagalaiti namang tumalikod si alex kay sir at padabog na humila ng upuan..
Nagkatinginan na lang kami ni ana sa pinakita ng babae..

Alam nyo na ang gagawin nyo mamaya.. iiwan ko na kayo!! Lingon samin ni sir saming mga katulong

Opo!! Sabay naming bigkas. At tumalikod na sya.. pero bago sya maglakad ay tinignan nya muna ako ng may makahulugang titig.. kaya ako na mismo ang umiwas.

Tuloy tuloy naman ang pagdating ng mga bisita..

Andito lang kami sa isang tabi.. dahil hati ang oras ng mga katulong ..

A hot nights with me.?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon