I swear to god gusto ko nang batukan si Iris. What the heck is she thinking! I looked at ma'am again at umakto'ng nagdasal at lumuhod sa harap ni ma'am. Nagulat pa siya nung ginawa ko 'yun.

" Nangungumpisal?" Si Kevin.

" Angel?" Si Irish.

"Almost!" Jusko para na akong tanga na tumatango sa kanila.

Tumingin sa akin si Gwen bago kay ma'am bago nag salita. Tinuturo ko si ma'am habang tinitingala at umaktong nagdasal.

" A goddess?" Si Gwen.

" Yes! that's it Gwen!" Sigaw ko habang nakangiti nang malawak kay Gwen.

Sobrang tuwa ko dahil mahulaan na rin sa wakas 'yung word na kanina ko pa pinahuhulaan sa kanila. Tumatawa pa ako at nag thumbs up kay Gwen kaya natawa siya.

" Stand up Kaia, para kang tanga." Biglang salita ni ma'am sa harap ko.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakaluhod pa pala ako kaya naman madali akong tumayo at tumango kay ma'am na may masama na namang tingin sa akin. Ilang oras pa at nagpatuloy ang laro at kalaunan ay nag announce na si professor Elaste sa harap namin, nasa kabilang gilid niya na ang dalawang professors.

" Ito na ang pinakahihintay niyong lahat, here in my hand is the result of the winner sa lahat nang games! Are you all excited?" Tuwang sambit ni Professor Elaste.

" I announce na 'yan! Wooo!" Lokong sigaw ni Jed sa likuran kaya naman nakinwoo narin 'yung mga kasama niya.

I rolled my eyes bago humarap. Pasimuno talaga ang kumag eh, nasa tabi niya sina Bianca at ibang barkada nila.

" Alright alright, so the winner is... Oh, it's team Lions! Congratulations on winning professor Gonzalez." Agad nitong kinamayan si ma'am Vanessa sa may may gilid niya.

"Yes! Hahaha sabi na eh mananalo ta'yo!" Parinig ni Irish sa kabilang team.

" Ay tuwang - tuwa ka na niyan Jemenez?" Mataray na sambit ni Bianca.

" Oo bakit? Ay problema ka ba huh, palibhasa kasi puro ka kaartihan sa katawan kaya ka talunan." Mataray na balik ni Irish kay Bianca.

" Hindi ako talunan! Baka gusto mo'ng makatikim nang sabunot girl, ano!" Inis na sambit nito kay Irish.

" Ay, pikon. Tsaka huwag nalang beh, bagong ayos pa naman 'tong buhok ko kaya no thanks!" Sarcastic na tugon naman ni Irish bago tumalikod.

Nainis naman 'yung isa kaya naman susugudin niya sa si Irish pero pinigilan siya ni Jed. Inis niyang tinabig ang kamay nito at naglakad narin papalayo. Napailing nalang ako at sumama na sa mga ka team ko na bumalik sa kani-kanilang tent. Pumasok ako sa tent ko para mag palit nang hoodie dahil malamig na sa gabi at malamok na rin. Lumabas ako at nakita ko'ng naka circle silang lahat na nakaupo sa may bonfire. Tumabi ako kay Irish.

" Usog ka. Patabi ako." Bahagya ko diyang tinulak pagilid.

" Aray naman!" Sigaw niya.

" Ang OA ha. Parang tinabig lang eh."  Sabi ko sa kanya.

Inikutan niya lang ako nang mata, bago hinarap 'yung kausap niya. Nasa kabilanbg gilid ko naman si Gwen na may hawak na libro at flashlight. Sinilip ko 'yung libro niya at binasa.

" Is it good?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig parin sa librong hawak niya.

" Oh,Hi. I-Ikaw pala. Ito ba? Uhm I don't know sa'yo pero favorite book ko ito, I'm just rereading it." Nakangiting sambit niya sa akin.

" Ah, I see. You like romance?" Tanong ko ulit.

" Hmm. I also like thrillers and mysteries. Ikaw ba what's your favorite genre?" Balik tanong niya sa akin.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon