Second Part

8 1 0
                                    


Dennis' POV
  Ang babaeng yon,nacorner ko na nga,aba ke tapang pa rin!Ayoko naman talaga sanang gawin iyon sa kanya,eh.Pagsasabihan ko lang sana,sisindakin ng konti para tigilan na niya ang pagtawag sa akin ng bakla.Marami na kasi ang nagsusumbong sa akin tungkol sa mga pinagsasasabi niya.Until ako na mismo ang nakarinig.Right at that moment na narinig ko ang pinag uusapan nila ng mga kaibigan niya,gusto ko na siyang kumprontahin,pero nagpigil ako.Ayoko rin namang gumawa ng eksena.Puputaktihin kami ng mga Maritess doon kung susugurin ko siya doon kaya naisip kong kumprontahin siya ng sarilinan.
     Pero,yun na nga,iba ang nangyari.Talagang ayaw niya akong tigilan at lalo pa niyang isinupalpal sa mukha ko ang maling palagay niya tungkol sa akin.Hindi na rin ako nakapagpigil sa sobrang inis ko.Ayun,nahalikan ko na siya!Pag di pa ba naman siya magtigil ewan ko na lang.Baka totohanin ko yung banta ko sa kanya bago ko siya iniwanan.
     Dalawang araw na ang nakaraan mula ng mangyari iyon.Kaharap ko ang mga libro ko,pero,ewan ko ba,hindi ako makaconcentrate sa pagrereview.Malapit na ang Midterms namin pero,hay,ano ba 'to?! Magmula nong mahalikan ko si Charrie Mae,hindi na ako mapakali..Hindi ko alam pero,bakit di ko makalimutan ang lambot ng mga labi niya at ang amoy ng pabango niya?!Kahit sa gabi,matutulog na lang ako,siya pa rin ang pumapasok sa kukote ko.Para bang gusto ko siyang hilahin uli sa isang tagong sulok at halikan uli.At ang mas malala pa,gusto kong higit pa roon ang gawin ko sa kanya!!..Whoa,what dirty thoughts!Pero yun ang totoo,eh.Hindi man kagandahan si Charrie Mae,malakas naman ang sex appeal niya.Maraming mga boys sa campus na gusto siyang ligawan pero hindi sila makaporma dahil kabisado nila ang likas na pagkasupladita nito.Ngayon,naiisip ko...paano kung subukan ko siyang paamuin and eventually mapaibig sa akin?!Naging challenge tuloy siya sa akin,na mapahulog sa akin ang kagaya niya.Okay, challenge accepted!Para na rin maipamukha ko sa kanya na lalaking lalaki ako at di ako papatinag sa isang gaya lang niya.Patutunayan ko sa kanya na hindi ako bakla!!!....

WHAT IF SABIHAN SI DENNIS NA BAKLA?!Where stories live. Discover now