Chapter 13- Where it starts.

332 11 4
                                    


Sofia's POV

ETO NA. OFFICIAL NA TALAGA 'TO. BOYFRIEND KO NA ANG CAMPUS CRUSH. >///<

YUP, ONE WEEK NA ANG NAKALIPAS NANG PINAYAGAN KO SIYANG PAGALINGIN ANG PUSO KO. HUWAW, LALIM! =))))

Nasaan kami? Nasa first date namin. :""">

Pero syempre joke lang 'yun. Cliche na masyado. Hahahahaha.

Papasok na kami ngayon sa school. Sinundo niya ko sa bahay. Odiba, boyfriend na boyfriend na siya. Grabeee, parang noon lang pinapangarap ko na may maghatid-sundo sa'kin sa bahay eh. Tapos ngayon nangyayari na. TT__TT

Hindi nga ko makatulog ng maayos kagabi eh. First time kasi namin na parang ipapakita sa lahat na "official" na kame.

Natatakot nga ako sa kung anong pwede nilang sabihin e. Pero bahala na, ako naman ang girlfriend e, di sila. Mwahaha.

"What's your first class for today?" Tanong ni Patrick habang HHWW kami papasok ng campus. Hindi ako kinikilig, hindi ako kinikilig.

"Math. Bakit?"

"I think I just saw your Math teacher going to your room."

AYAN LANDI PA KASI. DI MO ALAM LATE KA NA PALA.

"OMG! Oo nga pala! Bye!"

"Wait-"

Hindi ko na siya pinagsalita at kumaripas na ako agad ng takbo papasok ng room.

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin kaninang umaga ni Patrick, hindi na ulit namin 'yun napag-usapan. Sinabi ko na rin naman sa kanya na ayoko ng balikan 'yung parte ng buhay ko na 'yon.

Tapos na ang klase namin ngayon at hindi ko alam ang plano ni Patrick. Dapat lang na meron, first day kaya namin 'to. Hahaha.

*bzzt bzzt*
From: Patrick
Babe, where are you?

Babe agad! First day palang ah? Di ako kinikilig, di ako kinikilig.

To: Patrick
Nasa gate ako, I'm waiting.

Mga ilang seconds lang, bigla kong nakita si Michael.

"Uy, Michael! Bakit ka nandito?"
"Oh, I forgot to tell you yesterday na dito na ko mag-aaral."
"Yay!" I was about to hug Michael kaso may biglang pumagitna sa amin at biglang yumakap sa'kin.

"Wassup, I'm Patrick. Sofia's boyfriend." Tapos inalog niya ng napakalakas yung kamay ni Michael.

"Mukhang nakalimutan yata sabihin sakin ni Sofia na may boyfriend siya ah. By the way, I'm Michael, Sofia's bestfriend of 10 years."

"Ha-ha-ha." Tunog awkward masyado. "Yay, magkakilala na kayo. Bye, Michael. We're going! Ingat!" Hinila ko na si Patrick bago pa siya makapagsalita.

Andito kami ngayon sa Glorietta and Patrick doesn't look happy.

"What's bothering you?"
"Wala." Hmph, ayaw man lang tumingin sa'kin.
"Babeeeee, what's wrong?" Hahaha, naramdaman ko na medyo kinilig siya nung tinawag ko siyang babe.
"You didn't even tell me that dude was your bestfriend and besides, I saw you two hugging yesterday.
"In other words, you're jealous."
"Yeah, I'm jealous. Is that such a bad thing?"

Okay, di ako kinikilig. Bullshit, kinikilig ako. Kinikilig ako!!!!!

Author's Note:
Hi everyone! Yup, I just updated this after years. Hahaha. Sorry for keeping you guys hanging but lookie, it's here! Happy reading :) I'll try my bestest to update this as much as I can. Like and comment! ;)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Boyfriend Kong Campus Crush.Where stories live. Discover now