Mabilis lang din namang nakabalik si Travis, next naman niyang binuhat ng sabay is yong paper bag at saka yong naiwang picnic basket. Akmang sasama na sana ako papasok kaso lang pinigil ulit ako ni Travis.

"I'll be back, just be there." Ngumiti naman ako sa kanya at saka tumango sa gusto niyang mangyari. Gusto ko pa din naman dito mag stay kasi ang ganda ng view, since meron bench di kalayuan nagpunta nalang ako doon para maupo at doon mang hintay sa Prince Charming ko! Chariz!

"Do you like it here?" Tanong sakin ni Travis after niyang makaupo sa tabi ko. Nilingon naman ako.

"Oo... sobrang gusto ko dito. Ang peaceful, relaxing at kasama ka pa!" Tinaas naman niya yong isa niyang kamay at saka niya ginulo yong buhok ko.

"Travis!" Kunwari ay reklamo ko sa kanya at saka ko sinuklay suklay yong buhok ko gamit yong fingers ko.

"I just bought this property and you were the first to know I own a property like this and the first person as well I brought here." Nag init naman yong magkabilang pisngi ko sa kilig.

"And I'm happy to know that you like it here." At pakiramdam ko huminto bigla sa pag tibok yong puso ko nang bigla nalang ngumiti sakin si Travis.

Kaya eto na naman ako hinid na natuto, hindi ko talaga macontrol yong nararamdaman ko pagdating kay Travis, since alam ko naman na gusto na din niya ako, nag adjust naman ako sa kinauupuan ko para makapantay ko yong mukha niya, kinakabahan ako promise! First time ko kasing gagawin 'to! I mean yong mag fi-first move sa isang lalake at sa dinami rami ng lalaki na gagawan ko ng first move kay Travis Forger ko pa talaga unang gagawin! Kaya sinong hindi kakabahan?

Naamoy ko na ulit yong mabangong hininga niya! Mas lalo tuloy akong kinakabahan, alam niyo naman everything about Travis makes me vulnerable.

"Kourtney..." Napapaos niyang tawag sa pangalan ko.

"Sssh." Sagot ko naman sa kanya at saka ko pa mas nilapit yong mukha ko sa mukha niya at kasabay nang pagpikit ko is yong pagdikit ng lips ko sa lips niya. Urgh! Parang may mga fireworks tuloy na sumasagot sa ma bandang puso ko at yong loob ng tummy ko parang may mga butterflies, super magical kasi ng nafe-feel ko ngayon at mas lalong tumitindi talaga yong love na nafefeel ko kay Travis.

Unti unti kung ginalaw yong lips ko sa lips niya at ganun din yong ginawa niya, nafeel ko nga din yong kamay niya sa may bewang ko, hanggang sa unti unting humigpit yong pagkakayaakp niya sa bewang ko kasabay nang paglalim ng halik namin sa isa't isa.

Hinihingal hingal pa nga ako after ng kiss namin ni Travis pero hindi yon magiging reason para mawala yong ngiti sa lips ko. Sobrang saya ko! Ilang beses na kaming nagkiss ni travis today at hindi lang basta nagdidikit yong lips namin, mas sobra pa doon. Yong kiss na pang mag couples na!

Syet! Kung pwede ko lang ikwento 'to kina P at Adison eh pero alam kung hindi pwede at may pagka-Marites yong dalawang yon.

Naglakad naman si Travis ulit kaya dali dali kung kinabit yong braso ko sa braso niya para makasabay ako sa paglalakad niya. Napatingin pa nga siya sakin ng kinawit ko yong kamay ko sa braso niya, sweet na sweet naman akong ngumiti sa kanya.

Medyo kinabahan pa nga ako baka mag reklamo siya sa ginawa ko pero nakaka-ilang steps na kami wala namang reklamo kaya tinake ko na yon, as an answer na okay lang sa kanya yong ginagawa ko. Sa bagay ngayon pa ba siya mag rereklamo eh, nagkiss na nga kami bago pa siya umamin na may gusto siya sakin. Insert evil laugh ulit.

Habang papasok naman kami hindi ko talaga maiwasang maimagine na bagong kasal kami at kaya kaming dalawa lang ang nandito kasi mag ho-honeymoon kami.

"Your room is on the left side, mine is on the right side." I frowned after hearing what Travis said.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now