"Beaaaaa anakan mo 'ko please!" sigaw nung isa pang babae

Lalanding babae

Tumingin ako kay Bea para makita reaction niya hay nako jusko po, may tumaas na babae sa truck at hinalikan si Bea sa cheeks

Itong si Beatriz kilig na kilig naman sa babaeng nag kiss sa kanya 😒







BEATRIZ

Bumaba kami sa isang barangay hall at dito ulit magtitipon-tipon

Linapitan ko si Jho na ngayo'y tumutulong sa pagbibigay ng mga ayuda

"Wag niyo pong kakalimutan ha? Bea for mayor po nanay para sa bayan" Jho

"Oo iha, eh ikaw ba nobya nitong si Bea?" nanay

"Ah hindi po hehe" Jho

"Kaibigan lang po nay" pagsusulpot ko

Sige saktan ko pa sarili ko haaay

"Ma'am Jho ako na po jan, pahinga naman po kayo" sabi nung kasamahan namin

Kaya tumabi muna si Jho sa gilid at sumunod naman ako. Pero hindi ako dumikit ng super baka ano na namang sabihin ni mom

"Water and food" sabi ko at inabot yung water and Potato Corner niya, diba special yung snack niya, with love pa yan chos

I heard Jho sigh at kinuha yung bigay ko

"Bigat naman nun, are you pagod?"

"Can you get the paper bag from your family's driver? Pinatago ko kasi yun sa kanya" biglang utos ni Jho

"Si manong Ben? He's with dad lang kanina"

"Kaya nga kunin mo yung pinapakuha ko diba" Jho

Bakit parang mainit ulo mo sa'kin ngayon Jho?

"Owww ok papunta na"

Binigay sa'kin ni manong Ben yung paper bag na may tatak Louis Vuitton. Pagkakuha ko nito ay bumalik agad ako kay Jho

"Oh you finished your food na? Hehe"

"Hindi, pinamigay ko sa bata" Jho

Nakita ko ang dalawang bata sa tabi ni Jho na kumakain ng Potato Corner, aww bait naman ni Jho. Hmmm sarap jowain, chos

"Ah here pala oh" sabi ko at binigay yung paper bag

Kinuha naman niya yun, wala man lang thank you kiss? Char







JHOANA

Pumunta ako kay ma'am Det dala dala yung gift ko for her

It's an LV wallet, I bought this kanina lang sa mall. Gustong-gusto ko talaga siyang maka-usap nang masinsinan but I don't know how, kaya naisip ko baka matulungan ako ng gift hehe. I want to know where is she coming from, kung bakit siya ganun sa'kin 😔. Simula kasi nung nag join ako sa campaign ni Bea nag-iba na ang pakikitungo ni ma'am Det sa'kin

"Hi ma'am, need water po?" I asked

Mukang pagod na kasi siya sa pag-aayos ng mga ayuda

"No" ma'am Det

"Ma'am, can we talk for a bit?"

"Kayo muna bahala dito ha?" sabi ni ma'am Det sa mga kasama niya

Can't Fall in Love Again Where stories live. Discover now