TONWY - 1

3 0 0
                                    

March 16-17, 2022 (End of the First Day of MTLE)

Nasa labas na ako ng ADDU habang hinihintay sina Mika at Jane. Ako ang naunang lumabas sa'min pagkatapos ng ikatlong subject. Tiningnan ko ang cellphone at napagtantong maaga pala akong natapos. I went out at 3:30 pm. Marami nang mga examinee ang nandito sa labas ngayon, mas maagang natapos kaysa sa'kin. They also waited for their other friends while some stayed because of their group of friends.

Tinanaw ko ng buo ang ADDU tapos at kinuhanan ito ng picture. Sinend ko sa mga kaibigan ko na nagte-take din ng board exam ngayon sa CDeO.

Kumusta na kaya sila? Nahirapan din ba sila sa exam? May naisagot ba sila? May natatandaan pa rin ba sila sa review namin?

Andami nang pumapasok sa isip ko. Mga what ifs, mga realizations kung bakit iyon ang naging sagot ko, kung pwede bang bumalik ako doon at palitan ng tamang sagot.

Bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib at pinakalma ang sarili.

Makakapasa ka, Eve. Maniwala ka. Unang araw pa lang ito ng exam. Bawi tayo bukas. Kaya yan.

Tinapik-tapik ko ang dibdib at malalim na huminga. Tumingin ako sa entrance ng ADDU at tamang-tama ay lumabas na si Mika, papalapit ito sa'kin. Kagaya ko, bakas din sa mukha niya ang kaba.

Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Kumusta ang exam?"

"Ang hirap ng last subject. Minor naman sana pero siya yung nahirapan ako."

Sumang-ayon ako. "Oo nga eh. Okay pa ang Clin. Chem at Hematology, medyo may natandaan pa ako. Pero sa AUBF....ghad! Hindi na ako nag-aral don."

Bago pa nagsimula kaninang umaga ang exam, napag-usapan naming tatlo na huwag magtanong sa isa't isa tungkol sa mga questions kung saan kami nahirapan. Siguradong magsisisi lang kami o mafu-frustrate sa mga isinagot. Naging tahimik kami ni Mika habang hinihintay si Jane matapos. Marami na rin ang lumalabas kaya tinext ko si tita na tapos na ako sa exam.

Maya-maya'y lumabas na rin si Jane.

Sabay kaming tatlo papuntang highway. Medyo makulimlim na ang langit at bahagya na ring umuulan. Agad kaming tumawid ng kalsada atsaka doon naghintay ng jeep.

"Saan tayo bababa?" Tanong ko kay Jane na siyang kabisado ang lugar.

"Magdo-double ride tayo. Bababa tayo ng Matina tska sasakay tayo ng jeep papuntang Toril o sa Bago Aplaya lang," tumango lang ako at hindi na nagtanong. Mas lumakas ang ulan kaya sinuot ko ang dalang jacket.

Hindi nagtagal ang byahe at bumaba na rin kami. Tinext ko ulit si tita na nasa Matina na kami at naghihintay ulit ng masasakyan. Ngunit ilang oras din ang nakalipas, hindi pa rin kami nakakasakay. Merong jeep na byaheng Toril ngunit puno ito, hindi kami makasiksik. Naglakad kami kung saan nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang mga jeep.

Tumingin ulit ako sa orasan. Shit, malapit nang magrush hour. Ibig sabihin, dagsaan na ang mga tao sa sakayan. Ito na rin ang oras na kailangan mong dumiskarte para makasakay.

"Magtaxi na lang kaya tayo?" Suhestyon ni Mika, alam niyang hindi kami makakasakay agad kapag ganito na karami ang mga taong naghihintay.

"Mabuti pa, tara."

Naglakad ulit kami sa hindi masyadong matao na lugar at doon naghanap ng taxi.

Gusto ko nang umuwi. Hindi pwedeng magtagal pa kami dito dahil may exam pa kami kinabukasan. Nakaramdam na din ako ng gutom sa ilang oras na paghihintay. Sa harap namin ay McDo kaya hindi ko naiwasang mapalunok. Muli kong tinext si tita.

"Tita, magpapasundo na lang kami. Hindi kami makasakay-sakay. Ang hirap."

"Gosh! Kahit taxi ay punuan! Nagugutom na ko!" Reklamo ni Jane.

"Anong uulamin natin mamaya, Mika?"

"Ayokong kumain."

"Ay wow, diet ka?"

"Hindi ah! Nakakatamad lang magluto."

Nakikinig lang ako sa kanila, hindi na umiimik. Kanina pa talaga ako uwing-uwi. Sumasakit na ang mga paa ko, ang ulo ko, ang balikat ko, at kumakalam na rin ang sikmura ko.

Biglang nagvibrate ang phone ko.

"Dyan lang kayo, papunta na ako," text ni tita. Medyo nahimasmasan ako sa sinabi niya.

"Magpizza na lang kaya tayo? May Alberto's oh, magtake out na lang tayo," tinuro ni Jane sa kabila ang isang building kung saan nakahilera ang mga kainan.

"Sige," sang-ayon ni Mika.

Umalis kami sa pwesto namin at tumawid sa kabila. Papalubog na talaga ang araw at mamaya ay mas lalo kaming mahihirapan na makauwi. Mabuti't tumigil na ang ulan.

"Eve, oorder ka rin?" tanong ni Jane habang nagoorder.

Umiling ako. "Huwag na, sa bahay na lang ako kakain."

Habang naghihintay, hindi namin naiwasang magtanong-tanong tungkol sa exam. Halos mawindang ako at kinakabahan sa naging topic. Hindi ko na alam kung papasa ba ako o hindi. Pilit kong sinasabi sa isip na huwag panghinaan ng loob pero meron pa ring parte sa utak ko na hindi maiwasang mag-alala.

Kaya ko kaya ang second day ng exam? Mas lalo na kaming mahihirapan nito. Kung kaya't hindi na ako pwedeng magtagal dito at gusto ko nang umuwi.

Biglang tumunog ang cellphone ko, tumawatag si tita.

"Nasaan na kayo?" tanong niya agad. Sinabi ko sa kanya kung nasaan kami. "Mabuti. Nandito ako ngayon sa may overpass. Pumunta kayo dito pagkatapos niyo dyan."

"Okay po, tita."

Nang makuha na nila Jane ang inorder na pizza, agad naming pinuntahan kung nasaan si tita. Tuluyan nang lumubog araw at mas dumoble pa ang mga tao kaysa kanina. Ito na nga ang sinasabi ni tita na rush hour. Paunahan kung sino ang unang makakasakay.

Di nagtagal, nakita na namin siya. Naghanap agad kami ng masasakyang jeep ngunit bigo pa rin kami.

"Tita, nasaan ba si tito? Hindi ba siya makakasundo sa'tin?" tanong ko.

"Matatagalan ang tito mong umuwi. Nasa mall siya ngayon at kapag doon ang araw ng collection niya, gagabihin siya ng uwi."

Bagsak ang balikat ko sa sinabi ni tita. Collector kasi si tito ng Coca-Cola Company dito sa Davao, minsan maaga siyang umuuwi kapag tapos na ang trabaho niya. Si tita naman, nagtatrabaho sa isang bangko. Dapat may duty siya ngayon pero dahil nandito ako ngayon at nakatira sa kanila, nagleave muna siya ng ilang araw para maasikaso ako.

"Magdo-double ride na lang tayo. Pahirapan na ang pagsakay sa isang rota lang."

Hindi ko na narinig pa ang sumunod na sinabi ni tita nang hilahin niya ako papunta sa paparating na jeep, sumunod naman sina Mika at Jane. Mabuti na lang ay hindi pa ito puno kaya't nakasakay agad kami.






***

That One Night With You (A Jeepney Encounter of Miss Author)

Jeepney Encounter of Miss AuthorWhere stories live. Discover now