Ang daming new designs na naiimagine ko na mamaya yong sarili kung nasa loob ng store at namimili ng mga damit, ang dami kung nagustuhan na mga terno na crop top and skirts with blazers.

Urgh! Dapat nga pala bilisan ko na pumili at mas lalo akong nagtatagal dito mas madami akong oras na sinasayang para makasama si Travis! Since lahat naman ng design is gusto ko, nag send ako ng dalawang picture sa assistant ni Travis, dalawang picture nang dress, syempre magkaiba yong design.

Okay na nga ako sa dress pero mukhang sinabi talaga ni Travis yong about sa shoes kasi nag send din yong assistant niya ng pictures ng mga different flats na available sa Chanel. Syempre, tulad sa dress dalawa din yong pinili ko na flats para lang mamake sure na babagay yong sa dress na napili ko.

At ayun na nga, nagulat pa ako na wala pang twenty minutes na delivery na yong mga dress at flats na request ko. May dalawang magkasunod na katok yong narinig ko mula sa labas ng clinic. Hindi pa din bumabalik yong nurse, nasan na kaya yon? Huwag ko lang malaman na nakasunod siya aky Travis at irereport ko talaga kay daddy na hindi niya ginagawa yong work niya as nurse dito sa site! Kung sakali.

Or baka naman yan na yong nurse at aware pa din siyang nandito ako kaya kumatok siya before papasok? Pero parang two minutes na kasi yong lumipas hindi pa din siya pumapasok kaya naman,

"Pasok." At doon ko lang narinig yong pag click ng handle ng pinto at may lalaki'ng pumasok.

"Sino ka po?" Nagtatakang tanong ko.

"Clinic po 'to." Dagdag ko pa. Nakasuit and tie siya at mukhang nagwo-work sa office. Baka isa sa mga office clerk at baka bago palang siya kaya nawala?

"Uhhm, yes ma'am. Ako pala yong pinadala ni mr Forger..." Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ako yong personal shopper ni mr Forger." At saka niya tinaas yong apat na paper bag na dala-dala niya na may tatak na Chanel. Doon ko lang din napansin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko pero nag stay pa din ako sa kung nasan ako kahit nakatayo na. Remember yong likod ng skirt ko yong napunit.

"Okay lang ba pakilagay mo nalang dyan."

"Yes ma'am." At ginawa niya niya yong nirequest ko hindi din namman natagal at umalis na din siya, nilock ko naman yong door ng clinic at saka ko chineck yong nirequest ko na mga damit. Isa-isa ko na din'g finit at pareho silang maganda yong fit sa katawan ko, nagtagal na naman tuloy ng ilang minutes sa pag pili ko kung anong dress yong isusuot ko.

Nang masatisfied na ako sa dress na napili ko lumabas na din ako ng clinic at doon ko nakita sa may waiting yong nurse, nag ce-cellphone. Mukhang kanina pa siya dito, ano yon hinintay niya akong matapos sa loob bago siya papasok? Nagtaas pa nga siya ng tingin sa akin nang dumaan ako.

Hindi nalang ako nag react at nagdire diretso na sa paglalakad. San ko kaya hahanapin si Travis? Hindi ko naman siya ma-me message kasi hindi ko alam yong number niya. Magtatanong tanong na lang siguro ako sa mga nagtra trabaho dito kung nakita nila si Travis.

Patingin tingin ako sa paligid umaasa na makita si Travis pero hindi talaga ako, pag nakakaeye to eye ko naman yong iilang nagtra-trabaho nag-iiwas naman sila ng tingin kaya mas lalo akong nahihirapan na i-approach sila.

Dapat pala kinuha ko kanina sa assistant ni Travis yong number niya. Sigh. Baka umalis na din yon, kaya nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad umaasa na makita si Travis hanggang sa makarating ako sa may dulo na mukhang dead end na at hindi ko pa din makita si Travis.

Nasan ba kasi yong lalaking yon?

"Ma'am hanap mo ba si Engineer?" Napatingin naman ako sa matandang nagsalita.

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now