"Ha? Hindi naman yan nasabi sakin last night. San sila pupunta?'

"Hindi ko masyadong sure pero nagmamadali sila eh, baka urgent." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Imemessage ko nalang sila mamaya para icheck sila. Hindi na din kami nag tagal ni Travis sa bahay since malapit nang din'g mag eight AM, mag rorounds pa daw kasi siya pag dating.

Masyado atang napadami yong kinain ko kanina bakit biglang ang sikit ng skirt ko? Pero to be honest ngayon ko nalang ulit nakita 'tong damit na niready sakin ni Nami kanina.

Ni-hindi ko na nga matandaan na may ganitong design pala ako ng Chanel. Sino kayang bumili nito? Ako? Si Mom? Or baka naman regalo sakin? Urgh! Hindi ko talaga alam! Wala akong idea! Pero promise ang sikip talaga nitong skirt ko.

Ang hirap gumalaw galaw tuloy. Mabuti nalang at hindi napapansin ni Travis kasi nasa unahan siya at nasa likuran naman niya ako nakasunod. Dikit na dikit tuloy yong mga legs ko habang naglalakad. Ang hirap mag lakad at ang bilis pa mag lakad ni Travis kaya mas lalo akong nahihirapan. Hindi pa nakatulong na nakasuot ako ng stiletto medyo malubak pa yong dinaraan namin.

Pagkarating kasi namin sa site, tulad ng sabi ni Travis kanina, mag i-inspection na daw muna siya. 

"Ikaw lang ba mag i-inspect? Wala kang kasama?" Lumingon naman sakin si Travis bago niya ako sinagot.

"Yes, just me." I creased my forehead in confusion.

"Why is it when dad inspects, he has engineers and architects with him?" I asked him curiously pero siya wala.

"Maybe they're new, or they're interns, that's why." Napatango naman ako sa simpleng explanation ni Travis pero may bigla akong naalala.

"Kung hindi mo naman pala kailangan ng architect na kasama bakit noon kasama mo si Aya?" At saka ako magkakasunod na napailing, mali kasi yong nasabi ko. 

"Uh, ang ibig kung sabihin si Architect Aya! At oo nga pala, nasan na pala yon si Aya?" Urgh! Kulit ng bibig ko parang may sariling isip kapag nagsasalita!  Napahinto naman sa paglalakad si Travis kaya ganun din ako, kaya magkaharap na kami ngayon.  

"A-architect Aya." Sabi ko ulit at saka ako sweet na sweet na ngumiti kay Travis nag peace sign pa nga ako. Medyo naka pout na yong shape ng lips niya. Nakagat ko naman yong pang ibabang labi ko. Nasobrahan na naman ata ako sa pagiging marites ko at kilala niyo naman 'to si Travis kapag siya ang kausap mo, wala ka halos makukuha na sagot! 

Mas okay pa na mag search ka nalang sa google ng sagot. 

"She was transferred to another site." My eyes widened and I became even more curious.

"When did she move?"

"Months ago."

"Gaano karami yong months ago?" Doon na talaga napasimangot si Travis. Pinasok na niya yong dalawa niyang kamay sa magkabilang pulsa niya at saka siya nagpatuloy sa paglalakad.

"Travis!" Pangungulit ko pa sa kanya at saka ako sumunod sa kanya sa paglalakad pero in the back of my mind, sobrang natutuwa ako na wala na pala dito sa site si Aya.

Pwede ko din namang iask si dad pag uwi kung gaano na katagal wala si Aya for sure walang tanong tanong niya akong sasagutin.

"Ilang buwan na yong nakalipas?" Tanong ko ulit sa kanya habang nakasunod sa paglalakad niya.

May nagsipol pa ngang isa sa mga trabahador narinig ko hindi lang ako tumingin pero,

"Hoy! Tumigil ka dyan! Anak yan ni mr Martinez at kitang mong kasama niya si Engineer Forger! Gusto mong mawalan ng trabaho?!"

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now