chapter 2

4 1 0
                                        

       Hanggang ngayon ay hindi parin makalimutan ni Ira ang mga ngiti sa labi ni Rylle nung isang araw ng makausap nya ito dahil binigyan nya ito ng tubig.

"Ira nakikinig kaba sakin.?" Pukaw sa kanya ni Shea

"Huh?ano nga ulit yung sinasabi mo?"umiling iling si Shea sa inasta nya."ayan ka nanamn eh nakatulala ka nanaman tapos biglang ngingiti alam mo ang creepy mo ha."

"Gag* inlove lang ako noh inggit ka kasi wala kapang lovelife mas bitter kapa sa ampalaya."sabay irap nya dito ng pabiro

"Nako inlove daw eh ang tanong gusto kaba ni Rylle?at saka hindi uso sakin yang lovelife na yan noh masasaktan kalang jan mas okay na maging bitter atlist d ka nasasaktan noh."umirap din ito sa kanya pero hindi na nya ito pinansin dahil ganyan namn sila palagi ni Shea nag aaway pero kalaunan ay nag babati rin kaya normal nalang ito sa kanila

Nasapo nya ang bibig ng may maalala,"sandali yung niluto ko nga palang adobo hindi ko pa naiibigay kay Rylle." Pinagluto kasi nya ito ng paborito nitong pagkain alam nya ang mga paborito nito dahil sya ay isang dakilang stalker nito.

Lumapit sya kay Shea at ngumiti ng pag ka tamis tamis dito

"Oh ano na naman yang ngiting yan ha?kanina lang eh inaaway moko."

"Umm Shea may niluto kasi ako para kay Rylle,baka pwedi mo namang ilagay sa locker nya oh,sege na please." Pag mamakaawa nya pa dito

"Ayoko nga baka mamaya pag may nakakita sakin ako pa yung sabihin na patay na patay jan kay Rylle."

"Samahan mo nalang ako,sege na."saka nya ito hinatak at wala na nga itong nagawa kundi ang sumama sa kanya

Pag dating sa locker room ay nag iwan muna sya ng sticky notes sa may lalagyan ng pagkain,ang sinulat nya ay (alam ko paborito mo to kaya pinag luto kita.from:your secret admirer)natawa sya sa sinulat nya dahil napaka corny pero wala syang choice dahil ayaw naman nyang magpakilala dito

Sinigurado muna nyang walang tao ang locker room bago nya nilagay yun sa locker ni Rylle at kumaripas ng takbo

Uwian na nila ng mag text ang mommy nya na walang magsusundo sa kanya ngayon dahil may iniutos daw ito sa driver nila,ang sabi nito ay sumakay nalang daw muna sya sa iba oh d kaya ay magpahatid kay Shea pero hindi nya ito ginawa dahil malayo pa ang bahay ni Shea sa kanila nahihiya naman syang mag pahatid dito kaya naman nandito sya sa labas ng university nila nag aabang ng masasakyan kahit wala namang dumadaan dahil puro yata may sundo ang mga tao dito.

(Rylle P.O.V)

    habang palabas sya ng school at nag papa alam sa mga ka team nya ay nakita nya ang mag isang babae na nakatayo sa may gilid ng school nila na para bang nag aabang ng masasakyan

Maganda ito maputi at napaka ganda ng buhok,at namumukhaan nya ito,ito yung babaeng todo ang suporta sa laro nila nong nakaraang araw at ito din ang nag bigay sa kanya ng tubig don at ito rin ang nakita nyang naglagay ng pagkain sa locker nya kaya naman nilapitan nya ito

Agad syang bumaba ng kotse ng nasa harap na sya nito,pag baba nya ay napansin nya kaagad ang gulat sa mga mata nito ng makita sya

"Hi,ikaw yung sa basketball court right?"

"Ha-uo ako yun."sagot naman nito na nakatulala na namn sa kanya

"Umm may hinihintay kaba?".  "W-wala,wala lang akong masakyan."yumoko ito na tila nahihiya

"Hatid na kita."nagulat ito sa sinabi nya dahil napa kurap kurap pa ito

"Ha- eh malayo pa yung bahay namin eh nakakahiya naman sayo." 

"Hindi okay lang ituro mo pang sakin yung daan ihahatid kita ng ligtas at saka bawi ko na din toh sayo sa binigay mong adobo kanina."agad na lumaki ang mata nito na parang hindi makapaniwala sa sinabi nya

"A-ano?" 

"Wala sege na sumakay kana."he lightly chuckled

Agad naman ito sumakay sa backseat

Ng mag umpisa na silang bumyahe ay pasulyap sulyap sya dito halatang nahihiya ito sa kanya dahil hindi ito makatingin ng diretso sa kanya

Ng makarating na sa bahay nila ay agad itong bumaba at nag pasalamat sa kanya at sya naman ay umuwi na din

Pag kauwi nya ng bahay ay bigla nalang sumakit ang ulo nya sa di malamang kadahilanan

"Oh anong nangyari sayo iho?"tanong ng kasambahay nila

"Sumakit yung ulo ko manang,siguro napagod lang ako dahil nag practice kami kanina ipapahinga ko nalang toh makukuha din siguro."

"Ganon ba iho?kumain ka muna may niluto ako don eh wala pa yung mommy mo eh kaya nag luto nalang ako."

Ngumiti sya dito "hindi napo manang aakyat napo ako at saka busog pa naman po ako eh." Saka na sya umakyat sa  taas.


(Ira P.O.V)

   Pag pasok palang ni Ira sa luob ng bahay nila ay agad na syang tumili sa sobrang saya at kilig na nararamdaman

Ang mommy nya naman ay nagulat sa bigla nyang pag sigaw

"Bakit ka naman sumisigaw jan ha?at saka sino yung nag hatid sayo?"

Tumalon talon pa sya sa tuwa "yun na nga ang chika ko mom,alam mo ba na si Rylle ang nag hatid sakin?like omg kinikilig pa din ako mommy."

"Talaga?yung Rylle na palagi mong kinukwento samin ng daddy mo?"

"Opo mom.".  "Oh bat di mo pinapasok ng makilala naman namin yang kinababaliwan mo."

"Eh wag na daw po eh nag mamadali din kasi."

"Next time ha para makilala namn namin sya."

"Yes mother,kyaahhhhhh."malakas na naman nyang tili bago sya umakyat ng kwarto

Pag akyat nya ay d parin mawala ang mga ngiti sa labi nya dahil hinatid sya ng crush nya

Humiga sya sa kama nya na ngumingiti mukhang matutulog sya ngayon ng nakangiti...



-RYEXX♥️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the day you said goodnightWhere stories live. Discover now