Napag-desisyunang pumasok na sa loob. Humugot muna ng malalim na hininga bago ko buksan ang pinto. Bubuksan ko na sana ito nang naunahang bumukas na iyon. Bumungad kaagad sa harapan ko ang assistant nitong si Kuya Ramon.

"G-good morning!" Nautal na bati ko dito at pinilit ko ngumiti ng napakalaki.

"Maglinis kana habang nasa meeting si Sir." utos nito.

Oo nga pala! May meeting sila ngayon at hahatulan ng lahat ang kabuuang reviews sa nangyaring Reach Out Program sa Bicol. Sana makakuha sila ng big star, pero sure akong makakakuha talaga sila lalo na walang failure na nangyari nung araw na iyon.

"Sige po." Masiglang sabi ko at gumilid ako para bigyan ito ng daan.

Pagkalabas nito saka na ako pumasok sa office ni Sir Johnser.

JOHNSER SY POV:)

Busy ako ngayong araw lalo na hinahanda na namin ang araw ng pag-launch ng bagong cellphone ng Uphone. Sa paulit-ulit kong pag-try, nagustuhan at natanggap na rin ni papa ang ginawa kong video for commercial ads. Sa ngayon, pipili kami ng bagong ambassador at ambassadress na magpo-promote ng bagong produkto na aming iluluwas.

"Johnser."

Narinig kong tawag ng aking ama. Tumigil naman ako sa pagtangkang paglabas ng conference room, kakatapos lamang ng meeting. Hinintay muna makalabas ang lahat bago ako kausapin ni papa.

Humarap na nga ako dito nang kami nalang ang tao sa loob.

"Ito na ang huling pagkakataon mo na patunayan ang sarili mo na karapat-dapat kang maging tagapagmana ko," seryosong pahayag nito. Dahan-dahan lumapit ito sa akin sa akin at tiningnan ng seryoso sa mga mata."Wag mong sisirahin ang tiwala ko sa'yo, Johnser."

Nakaramdam naman ako ng kaba sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magiging successful ba ito, natatakot ako na mabigo ulit ako. Mabigo ako sa mga mata nila.

Hinawakan nito ang kabilang balikat ko at may binulong sa akin.

"Huwag mong iisipin na nag-iisa ka. Tinuturuan kita para tumayo ka sa sarili mong mga paa..." Makahulugang saad nito.

"Ano ibig sabihin ni papa?" Tanong ko na lamang sa isipan ko.

Pagkatapos tinaptap na nito ang braso ko at umalis. Naiwan akong nakatayo at napaisip sa katagang sinabi niya.

Ibig sabihin...

Binalingan ko kaagad si papa, naabutan ko naman itong kakalabas lamang ng conference room. Sumilay na lamang ang ngiti sa aking mga labi dahil sa kasiyahang nararamdaman.

Ibig sabihin, malaki ang tiwala sa akin ni papa na alam kong magtatagumpay ako sa huling misyon.

Doon ko napatunayan na all this years na naging istrikto at malamig siya sa akin, pamamaraan niya ito para turuan niya akong lumaban at patunayan ang sarili ko na hindi kailangan umasa sa paligid ko. May paki rin sa akin si papa pero hindi niya lang mapakita.

Napangiti na lamang ako sa kasayahang nararamdaman ko.

THIRD PERSON POV:)

"Okay na ba? Iwan ko na ba kayo?" Tanong ni Ros sa mga kaibigan nang isa-isa silang buhat ng mga box at nilalagay sa truck.

"Mag-work kana. Okay na kami dito." Nakangiting sabi ni Bossbrad pagkalagay ng box sa truck.

"Bye!" Paalam niya dito.

"Bye!"

Nagsimula na nga siyang maglakad papasok sa loob ng building. Nang nasa harapan na si Ros ng elevator, pumindot na ito sa floor na pupuntahan niya. Di naman nagtagal, bumukas din iyon at lumabas doon ang isang employee na may kausap sa cellphone.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now