Mga katagang sinabi ni Lemuel na nagpapagulo ng isip ko.

"May pumunta kasi dito. Panay tanong kung nasaan kayo."

Naalala kong sinabi ni Kuya Kiko sa akin.

"Yung kikidnap na sana kay Pubg, mukhang kilala siya ng mga ito..." sinabi naman ni bossbrad.

Halo-halo na ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano po-problemahin ko sa sinabi nilang tatlo. Feeling ko nasa mood ako ngayon ng pagiging overthinker ko.

Namo-mroblema ako kay Pubg, hindi ko alam ang pagkatao niya at bakit balak siya kidnap-in ng mga armadong lalaki. Mas lalong napapaisip ako kung sinong naghahanap sa amin ni mama, kung si papa ba o kamag-anak namin. Iniisip ko rin si Ros. Natatakot ako na baka...na baka iwan niya ako pag bumalik na ang alaala niya.

"Beth?"

Napapikit-pikit na lamang ako nang may pumutol sa pagmumuni ko. Napatingin naman ako kay Ros na nakahawak sa pulsuhan ko. Nalimutan kong kasama ko pala siya.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Okay lang." Sabay napahawak sa noo. Mukhang kanina pa ata nagsasalita siya at hindi ako nakikinig sa kanya.

Nagulat ako nang ipaharap niya ako sa kanya at dumampi ang palad nito sa aking noo.

"Wala ka naman sakit. Sigurado ka bang okay ka lang?" Alalang tanong pa din nito.

"Okay lang ako..." mahinang sagot ko.

"Kagabi ka pang ganyan. May bumabagabag ba sa isipan mo?" nagtataka nang tanong pa rin nito.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot."Okay lang talaga ako."

Tiningnan pa ako nito para makasiguro. Kumibit-balikat nalang ito sa huli. Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting bumaling ulit sa akin.

"Wag kang mag-alala. Hindi kita lolokohin, kahit bumalik ang alaala ko, pipiliin na pipiliin kita..." Pahayag nito.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Dahil doon, nabawas-bawasan rin ang pangangamba sa damdamin ko.

Hindi ko ba alam kung mind reader na siya pero feeling ko alam niya kaagad ang tumatakbo sa isipan ko.

"Tara na?" Yaya nito na nito.

Nakangiting matamis na tumango ako.

Naglakad na nga kami habang magkahawak kamay.

JOHNSER SY POV:)

"Congratulations everyone!" Masayang bati ni Mr. Kailes sa amin.

Nagsitayuan naman ang lahat at nagsipalakpak. Nakipagkamayan naman ako sa mga investor at shareholders dahil successful ang project ng pagsasanib pwersa ng tatlong kompanya. Nandito kami sa conference room ng oras ngayon, kakatapos lang namin panoorin ang isang videos na nangyari sa Out Reach Program sa Bicol.

"Congratulation, Johnser." Bati ng mga ito.

"Thank you!" Nakangiting natural na tinanggap ko naman ang mga pakikipagkamay ng mga ito.

Nakipagkamayan rin ako kay Mr. Kailes at kay Tito Leandro.

Nang bumaling ako ng tingin kay papa, napatigil ako sa aking kinatatayuan nang makitang nakatingin ito ng seryoso sa akin. Kinakabahan na lumapit ito sa kinaroroonan ko. Wala akong nakikitang mga emosyon sa mukha nito kundi pagiging seryoso lamang.

Hindi ko alam kung may pagkakamali na naman ako sa ginawa o hindi siya kumbinsido sa ginawa ko.

Di inaasahan na umangat na lamang ang kamay ni papa para makipagkamayan sa amin.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now