" Oh ayan, aba'y kaganda na nang view dito oo." Ani nang mama ni ma'am at natuwa pa siya.

Oo nga naman po Mama, ang ganda nga talaga nang view. Sa isip ko. I stole another glance at professor Vanessa bago ako bumalik sa gawi kung nasaan ang Mama niya. Tapos na kaming mag tanim at ngayon ay tinutulungan ko na siyang magligpit nang mga gamit niya.

" O s'ya mauna ka nang maglinis nang kamay hija, ako na dito. Paki sabi narin kay Vanessa na maghanda na nang ulam natin ngayong tanghali." Anya habang patuloy na nagliligpit.

Agad naman akong tumayo at pinagpag yung kamay ko at pumasok sa loob. Nakita ko si old man sa pinto at nginitian niya ako, habang inaayos niya yung turnilyo nang pintuan. Agad akong pumasok sa loob st pumunta ako sa gawi kung saan ko nakita si ma'am. Nagsusulat parin siya nang makarating ako kaya pasimple akong tumikhim para kunin yung atensyon niya.

" Ah, excuse me po miss ma'am..." Tawag ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sa akin gamit yung mga mata niya habang bahagya paring nakayuko sa papel niya. Napalunok tuloy ako, kasi naman ang talim nang dating nung tingin niya sa akin.

" What do you want Hendrix. Can't you see I'm busy?" Strict niyang sambit at nagpatuloy sa pagsusulat.

Ang cold niya talaga kahit kailan. Pero naisip kong okay narin yun kasi siya na lang k'kailanganin ko tuwing tag init. Charr sa isip ko.

" Ah, kasi po miss ma'am. Sabi po ni Mama magluto ka na daw po nang ulam natin for lunch po." Sabi ko habang hinihimas yung isang braso ko.

Agad naman siyang napatigil nang pagsusulat at tumingin sa akin nang ubod nang talim. Kinakabahan tuloy ako. Ano na naman ba sinabi ko? damn naman eh.

" What did you call my mother?" Salubong na kilay niyang tanong.

" Ah... S-sabi niya po kasi sa'kin Mama nalang daw itawag ko sa kanya, at ayaw niyang magpatawag nang ma'am eh." Sabi ko naman habang nakahawag sa likod nang batok ko at yumuko.

I heard her tss kaya napatingin ako sa kanya.  She rolled her eyes at me at binagsak yung pen niya sa mesa bago tumayo. Gumawa nang tunog yung upuan nung utmayo siya nang marahas kaya napaatras ako. Tangina kaylan pa ako naintimidate nang ganito? Naglalakad siya sa akin nang diretso at balak yatang babanggain ako. Nang malapit na siya sa akin ay bigla siyang nag sabi nang.

" Move!" Anyasa galit na boses.

Napaatras tuloy ako sa gilid, nang makadaan na siya ay sinundan ko nang tingin yung likod niya. Napailing nalang ako, jusko naman si miss ma'am pinaglihi yata nang Mama niya sa dragon ah. Sa isip ko. Agad naman akong sumunod sa kanya sa kusina. Nakita kong naghahanda na siya. Lumapit ako sa kanya kaya agad naman siyang napalingon sa akin at tinaasan ako nang kilay.

" What?" Mataray niyang sambit.

"Ah, pahugas po ako nang kamay miss ma'am." Sabi ko at nakangiting tumitig sa kanya.

She rolled her eyes at me again bago siya gumilid upang makapaghugas na ako nag kamay. Matapos nun ay pinatuyo ko yung kamay ko sa may basahang nakasabit sa fridge nila. Tiningnan ko si ma'am at kasalukuyan siyang nagbabalat nang mga rekados. Lumapit ako sa gilid niya.

" Ma'am gusto ko pong tumulong." Excited kong saad sa gilid niya.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Lumapit pa ako at sinilip ko yung mukha niya sa gilid at nakita kong seryoso lang siyang naghihiwa at wala talaga akong balak pansinin.

" Ma'am? Yohoo.... Yow miss ma'am?" Winagayway ko pa yung kamay ko sa mukha niya.

Wala talaga. Haist! Nagsimula na akong maiinis. Bakit kasi hindi na siya namamansin. Nag pout ako sa gilid niya, nang may maisip akong kalukohan. Lihim akong napangiti habang dahan-dahang lumapit sa tenga niya at bumulong bago bugahan yun nang hangin.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon