Kaya naman next kung tinawagan is yong number sa office ni dad, umaasa na masasagot kahit man lang ng secretary niya pero ring lang ng ring yong phone. Mukhang madedead batt na yong phone ko wala pa din'g makakasagot ng tawag ko, kaya nag iwan nalang ako ng voice message, sinabi ko na nasa school ako at may urgent meeting kasama ng dean, dalawa kung ka-schoolmate na lalake at parents nila, tapos next ko namang tinawagan is si mom.

Nagkaron naman ako ng mataas na pag asa ng magring yong phone niya at gusto ko na ngang sumigawn g 'thank you G' nang makadalawang ring palang sinagot na din ni mom yong call ko.

"Mom!"

"Hi dear? What's up?" Sabi agad ni mom sa kabilang line, i-a-ask ko na din sana sa kanya kung nareceive ba niya yong message ng secretary ng dean namin kaso lang,

"I'm in a meeting right now with the board members, let's talk later at home, okay?"

"But mom -" Wala na akong marinig sa kabilang line at tama nga ang hinala ko pag tingin ko sa screen ng phone ko wala na yong call! Sinubukan ko pa nga ulit tawagan yong number ni mom pero mukhang nag turn off na siya ng phone kasi tulad ng kay dad, out of coverage na din si mom.

Nasapo ko nalang yong noo ko at gusto ko nang maiyak sa sobrang stess. Paano na ako nito ngayon? Hindi naman pwedeng si manong Sergio o kaya si Nami na sobrang matatakutin ang papapuntahin ko mas lalong wala din sa option si Manang Hazel. Halatang halata na mga helpers lang namin sila sa bahay at ang kailangan nila ngayon sa dean's office is either is mom or dad.

Kung bakit din kasi wala man lang kaming makag-anak? Bakit ba parehong ang mom and dad ay walang mga kapatid? Sa huli pagod ko nalang nasuklay yong buhok ko at mukhang wala akong choice kung hindi sabihin kay dean na hindi ako mapupuntahan ng parents ko ngayon, sana lang tanggapin niya yong reason na yon.  

Wala tuloy akong maisip kung hindi sana matapos na 'tong araw na 'to. Bakit ba kasi masyadong agressive nitong si Seth? Bakit hindi nalang niya tanggapin na ayaw ko na? Bakit kailangan niya pang sapakin si Liam?! Nagkagulo tuloy! Kasalanan niyang lahat ng 'to eh! Siya ang nagsimula! Pwede namang mag move on nalang, madami pa namang ibang babae dyan! Kakainis talaga!

Pagpasok ko naman ng dean's office all eyes on me at mukhang nakaabang din sila sa update kung nasan na either is mom or dad.

"Uhhm, ano po kasi..." Urgh! Paano ko ba 'to sasabihin sa kanila? At bago pa ako makapag isip ng matino lahat kami ay napalingon sa may pinto kasi bigla nalang nag open.  

"Travis?!" Gulat kung tawag sa kanya. Anong ginagawa niya dito?! Tanong ko pa sa sarili ko?

"Sino siya?" Narinig ko pang tanong ng mom ni Liam.

"Hindi naman siguro yan yong dad niya. Baka mas matandang kapatid?" Papa naman ni Seth.

Tinalikuran ko naman sila at saka ako naglakad palapit kay Travis.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" Naguguluhan kung tanong sa kanya.

"Your dad can't come because he has an urgent broad meeting at FRGR. So, I am here to be your gaurdian." Pinanglakihan ko naman siya ng mga mata kaso lang bago pa ako makapag react nagsalita na yong dean namin,

"Pwede namang si Rush or Noah nalang. Kaya bakit ikaw ba? Wala ka bang trabaho?" Pabulong ko na tanong pa sa kanya.

"Why are you always looking for people who are not here? You really hate me that much for you not to appreciate my presence here?" Iritado naman niyang tanong pabalik sakin, nagkanda haba haba naman yong nguso ko sa sinabi niya.

Naputol nga lang yong mainit na pagtatalo namin nang, 

"Is everything alright Miss Martinez?" Napalingon tuloy ako sa kanila at mukhang every galaw namin ni Travis ay pinapanuod nila. Ang galing nga naman!

The Substitute BrideWhere stories live. Discover now