Teaser

23K 280 6
                                    

ALIPIN NG KAHAPON
"BRENT & NICOLE"
By;EMMZ

Maagang naulila sa ina si Brent Midrano sa gulang na apat na taon dahil sa isang car accident na kinasasangkutan ng isang pamilya na kahit sa murang edad niya'y natanim sa isip niya ang nagmulan ng mga angkan ng pamilyang iyon kaya hanggang sa nagkaisip ng husto ay dala dala niya ang galit sa mga taong naging sanhi ng maagang kamatayan ng kanyang mommy at ipinangako niyang ipaghihiganti niya ito....
Nicole Dizon Beltran.....lumaki sa angkan ng pamilyang kilala sa publiko,...nakukuha lahat ang gusto at mataray kaya naman walang sinumang lalaking nais na ligawan siya dahil sa katarayan nito,..at dahil naiirita na siya sa katanyagan ng pamilyang kinabibilangan niya dahil parating iniilagan siya pag nalamang naggaling siya sa angkan ng mga Beltran ay iniba niya ang kanyang apelyido sa mga taong hindi nakakakilala ng personal sa kanya...

Isang pagtitipon ang kanyang dinaluhan kasama ng kanyang kaibigang si Bernadeth ng aksidenteng makabangga ang isang lalaki na walang iba kundi si Brent Midrano,....nabighani siya sa gandang lalaki nito at ginawa niya ang lahat para mapaibig niya si Brent at nagtagumpay naman siya at nagkaroon sila ng relasyon...
Napamahal ng husto si Brent kay Nicole hanggang isang pangyayari ang nabunyag sa totoong pagkatao ni Nicole na hindi inaasahan ni Brent dahil ang pamilyang matagal na niyang hinahanap na nagdulot ng sobrang pighati at pagdurusa sa kanya ay ang pamilyang kinabibilangan pala ni Nicole...

Ano ang gagawin ni Brent sa natuklasang iyon sa pagkatao ni Nicole?
Makakaya kaya niyang saktan ang babaeng minamahal para lang maipaghiganti ang sinapit ng namayapa niyang ina o ibabaon nalang sa limot ang sakit at galit na dulot ng kahapon.....ABANGAN!!!!

Revenge 2.....Alipin ng Kahapon...."Nicole &Brent"....(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon