Napatigil sa paghakbang si Kam. Two months? Posibleng two months niyang makakasama si Cole sa hotel?

She gave in eight months ago kahit na dalawang linggo lang silang magkasama.

Kakayanin n'ya kayang magmatigas?

Dahil aaminin man niya o hindi, she was still very attracted to him.

—-
1. Bloodworth, Collier Darius
2. Caedis, Kamdyn Siobhán
3. Whittle, Nova Jessica
4. Nowing, Traye Stanley
5. Willes, Amanda June

Nakatitig lang si Kam sa listahan ng resulta ng application nila one week later. She was excited. She was torn.

Bakit nasa number 2 ang pangalan n'ya? Bakit hindi pwedeng si Cole ang number 2?

She shook her head. Nilalamon na talaga siya ng kabaliwan. Pati ba naman 'to?

Pero kasi, kapag nalaman ng mga magulang n'ya na sa number 2 nakalagay ang kanyang pangalan...

"What? Number two? What are you? Stupid? Bakit ngiting-ngiti ka pa? Akala mo ba achievement 'yan? Being number 2 means you're a failure, Kamdyn. You're an embarrassment!" malakas ang sigaw ni Kenia Caedis. Nanggagalaiti pa ito habang mahigpit na hawak ang braso ng walong taong gulang na si Kam.

Walang nagawa ang bata kundi ang tahimik na umiyak. Kasalanan n'ya kung bakit s'ya pumalpak. Pinagbigyan n'ya kasi ang kaklaseng mortal na may terminal na sakit. Gusto n'ya itong pasayahin bago pa man ito tuluyang mawalan ng chance.

But her parents wouldn't accept it.

"Sumama ka sa akin," ang ama naman niya ang humila sa kanya. Kinaladkad siya nito papunta sa dungeon ng kanilang napakalaking mansyon.

She spent 2 nights in the dark with only a cup of water a day for sustenance.

So, see? Number two was traumatizing for her. Dapat nasa una talaga siya.

"Oh my golly! Kasali ako!" bigla na lang may tumili sa tabi ni Kam kaya bumalik siya sa kasalukuyan.

Napatingin siya sa maliit na babae na hindi yata umabot ng five feet ang height. Naka-uniform din ito at mahaba ang itim at straight na buhok. May bangs pa. Ang cute nito sa totoo lang.

"Congratulations," sabi niya na may ngiti sa mga labi. "Kasali rin ako. I'm Kam. Sophomore."

Malaki rin ang ngiting ibinigay ng babae. "I'm Amanda but you can call me Mandy. Freshman."

"Wow. Freshman ka lang pero natanggap ka na agad. You must be good."

Kikay na tumawa si Mandy. Namula pa nga. "Sekreto lang ha. Sumali ako para makasama ko na rin sa wakas si Cole Bloodworth," kuminang ang mga mata nito at hindi napigilan ni Kam ang mapalunok.

"C-Crush mo s'ya?"

Wala namang pakialam si Kam. Nagtanong lang naman siya para may mapag-usapan sila. Tama. 'Yun nga!

"Oo. Siempre. Ang gagwapo kaya ng grupo nila pero si Cole talaga ang nakakuha ng atensyon ko. Pero na-realize ko na opportunity din kasi 'to para sa résumé ko in the future. Pero first reason ko talaga si Cole," sabi ni Mandy saka humagikhik.

"I agree."

"Si Cole din ang reason mo?"

Hindi alam ni Kam kung namula s'ya basta uminit lang ang mukha n'ya. "No, no. That's not what I meant. I meant the résumé thingy. So, let's have fun sa field training na 'to. Nice to meet you, Mandy."

"Nice to meet you too, Kam. See you," kumaway pa ang Freshman bago umalis nang patalun-talon. Ang hyper. Nakasalubong nito si Nova kaya agad na kinawayan ni Kam ang kaibigan.

Blood Menaceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن