uno

1 0 0
                                    

"Oh ano? Asan na yung pinagyabang mo sakin noon?" bumungad sakin yung pang-aasar sakin ni kuya.

Kakalabas ko lang ng kwarto para kumain ng lunch. I haven't been going outside simula nung mga pangyayari sa buhay ko.

I am always in my room, lalabas lang siguro ako kapag inutosan ako na bibili sa labas.

Being in your room whole day, is not boring. To be honest, it is my safest place.

Umupo ako sa tabi nya para kumain, di ko pinansin yung sinabi nya kasi alam kong iiyak na naman ako.

Well speaking of “yung pinagyabang ko”, I once met this man on facebook noong July 21 2021.

His name is Khalil, diko na sasabihin kung ano yung surname nya.

He's the perfect man for me, matangkad sya, gwapo, lola’s boy, he loves cat. Kaso yung problema lang is, di nya kayang babaan yung pride nya for his girl.

Noong nakilala ko sya, he had a girlfriend that day. Babaero sya actually, lahat nalang ng babae lalandiin nya, at isa na ako dun.

Magaling sya kumanta at mag guitara, katulad ng sinabi ko, he's the perfect man for me.

So he became my friend hanggang sa na fall ako sa kaharutan nya. Naging crush ko sya, at naging crush nya din ako. Alam kong napaka mali kasi meron syang girlfriend, sabi nya kasi dati sakin, lagi daw sila nag-aaway. At kapag nag-aaway sila, saakin sya lumalapit.

I'm just a second option.

Nag aaway din kami, katulad ng ginagawa nila ng girlfriend nya. I had a plan back then, na iwasan sya, mag deact sa rp account ko para iwas gulo, pero wala, di ko nagawa yun kasi mahal ko na sya. I fell inlove with him.

Napaka mali ng ginawa ko. Sobrang mali kasi may masasaktan akong tao.

A few months ago, they broke up.

Hindi ko alam kung bakit, pero sinisisi ko yung sarili ko.

Masaya ako na nag break sila so I got the chance to be his girlfriend, pero dun ako nagka mali.

I introduce him to my friend, Angel. Halos araw-araw nag-uusap sila. Tuwing mag-aaway kami kay Angel sya nagpapa-suyo at lumalapit.

After a few weeks, I found out that they're in a relationship. Behind my back.

Inahas ako ng kaibigan ko.

Imagine, I trust her, parang kapatid ko na nga sya eh tas she's flirting with my man? Well, di ko pa sya boyfriend pero he gave me assurance na ako lang talaga at naniwala ako dun, at umasa.

So boys, don't give your girl some assurance if you're flirting with another girl kasi masakit yun para sa amin. Don't date her kung di ka makuntento sa isa.

And girls, wag basta-basta maniwala at umasa kasi at the end, kayo lang yung masasaktan. Kilalanin muna bago umasa.

Then, while they're dating, I met a guy on facebook and his name is Chris.

After a few weeks, October 10 2021, kami na ni Chris. Ang bilis ng panahon halos di ko na maalala kung ano na yung nangyayare.

Umabot kami ni Chris ng one week, habang sina Khalil at Angel, hanggang three days lang.

I have a mistake, while me and Chris dating, nakikipag communicate ako kay Khalil.

Chris and I had a misunderstanding back then, tapos si khalil at ako onti-onting bumabalik sa dati.

Nag explain sya, humingi ng second chance. We decided na magiging friends nalang kami.

Habang tumatagal, bumabalik yung loob ko kay Khalil at nawawalan na ako ng time kay Chris, at doon ko tinapos yung relationship namin.

May nasaktan akong tao, para lang kay Khalil.

That was my biggest regret and mistake.

In the middle of December, nalaman ko nalang na nagka balikan sila ng ex girlfriend nyang si Kiara.

Para akong hinampas ng malaking alon. Sinalubong ko yung new year na mag-isa. Well di ako nag-iisa kasi kasama ko yung family ko. I mean, without Khalil.

February, they broke up, again.

We haven't talked for almost one month.

Ginagawa nya yung gusto nya, habang ako ginagawa ko naman kung ano yung gusto ko.

In the middle of march, nakilala ko si Haru (rp name kasi diko alan yung real name nya). Niligawan nya ako then after one week sinagot ko na sya.

Di rin kami umabot ng one month kasi ang bilis ko mag sawa. Hindi ko mahanap sakanila yung isang Khalil.

Kahit napaka sakit ng ginawa sakin ni Khal in the past, sya pa din talaga. Walang makakapalit sakanya, sya lang palagi.

Finally, May 2022, bumalik kami sa dati. Nag-aasaran, palagi kami nag cacall sa messenger. Like parang walang araw na hindi kami nag-uusap.

May 27 2022, he ask me to be his girlfriend.

Yun yung pinaka masaya na araw para sakin. 9 months ko syang tiniis, inintindi, at hinintay.

Pumayag ako syempre, finally I can call him mine.

He sent me a long message, unang-una para sa magulang ko, then nag sorry sya sa lahat ng ginawa nya sa mga nakaraang taon at buwan. Sabi nya babawi daw sya.

Tinanggap ko sya kasi nakikita ko naman yung pagka sincere nya.

June 27 2022, our first monthsary as a couple.

Diko inexpect na magtatagal kami kahit one month palang.

He's the love of my life.

I love him, so much.

Na halos gagawin ko lahat para wag nya lang ako iwan.

June 2022, onti-onti na kaming lumalabo. May mga misunderstanding na nangyayare sa amin na di ko maintindihan.

June 11 2022, we broke up.

Pinaka masakit na nangyare sakin, I lost him.

I got jealous.

Nagselos lang naman ako sa kaibigan nyang si Natasha(rp name).

At isa pa, narealize ko din na di nya nagawa sakin lahat ng ginawa nya kay Olivia. Like iflex ako sa social media, sa myday. I know it's sounds like jejemon or something but I liked to be flex.

Ang unfair lang kasi, naiintindihan ko naman kung gusto nya lowkey relationship, pero kasi he's still communicating with Olivia, his ex girlfriend.

After we broke up, I deactivated my rp account for almost a months. Inunfriend ko sya sa real account ko at binlock.

Napagod ako, kasi, bakit parang ako lang yung umiintindi? Kailangan ko din nang pag iintindi nya. Bakit parang ako lang mag-isa?

After a few month, August 2022. Dun ko nalang nalaman na he's now Olivia’s suitor.

They're playing games together, na kahit yun lang di ko na experience with him.

Bumaba yung confidence ko, well Olivia is pretty, tsaka di sya na cicringe sa mga bagay na gusto ni Khalil. Like yung pagiging pabebe, pagiging sweet.

I'm not that kind of girl.

I realize na, ginagawa kong tanga yung sarili ko.

Madaming nagsasabi sakin na kailangan ko na daw mag move on, at bakit ko naman daw iiyakan sya kasi hindi naman kami nag kita, at sa facebook ko lang sya nakilala.

For now, titigil na ako.

I hope he's happy with Olivia cause he deserves better.

Nandito lang ako para suportahan sya palagi, until his 21st birthday, that's a promise.

end.

--------------------

This is Isla, I am thankful that I was able to share my story. This is just a short story, cause I just wanted to share my experience. Hope you guys liked it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's too muchWhere stories live. Discover now