Dumiretso ako sa condo ko para doon na magbake. Mas malapit din ito sa ospital kung saan nagtatrabaho si Hanson para medyo mainit pa ang cookies pag hinatid ko sa kanya.



Mabilis akong nagbake at nang lumamig na ito, dumiretso ako sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. But I was not able to catch him there dahil nagpunta daw ito sa Lachlane.



Nagsalubong naman ang mga kilay ko at nagpasalamat nalang sa katrabaho ni Hanson. I immediately rushed to my car and called King na nakasabay pala ni Hanson sa pagpunta sa Lachlane.



"Ewan ko sa isang yun. Biglang nagustuhang mag mountain hiking." I can imagine him scratching his forehead. "Sumunod ka nalang sa Mt. Madhya if you really want to see him. Uuwi din daw agad siya sa Alveolar pagkatapos niya maghike eh."



I gave him thanks and immediately drove papunta sa Lachlane. After more than 3 hours, nakarating na ako sa Mt. Madhya. It was freaking hot pero mabuti nalang at may spare pants, kumportableng shirt, sumbrero, at running shoes akong dala.



"Ano ba namang pakulo to Hanson?" I got out of my car, nameywang, at tinignan ang napakainit na bundok. "Kung wala lang akong kasalanan sayo, hindi ko talaga gagawin to."



Bumuntong hininga ako bago bumaba ang tingin ko sa dibdib ko. My sunflower necklace suddenly shined when it was struck with sunlight.



"Sana sana sana hindi ako maheatstroke!" Hinawakan ko ang kwintas at hinalikan ito bago ako nagsimulang maglakad paakyat ng bundok.



Para akong nasa senakulo habang paakyat ng bundok. May ilan akong mga nakasalubong na nanggaling na sa bundok at sinabihan nila akong napakainit na sa taas nito.



"Okay lang po. May kailangan po akong hanapin eh." Nagpasalamat ako sa kanila at nagpatuloy sa pag akyat.



Unti-unti na akong nakakaakyat sa pinakatuktok ng Mt. Madhya. I was thankful dhil hindi ko na ramdam ang init dahil sa napakalakas na hangin. But before I reached the mountain top, I saw a man who was sitting in a flat, grassy part of the mountain while looking at the sky.



"Hanson."



I slowly walk close to him and when he turned around to see me, talagang nagulat siya.



"Sunshine?!" Napatayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay ko. "What are you doing here?"


"Uhm... Wala ka kasi sa ospital kaya pinuntahan nalang kita dito." Napakamot ako sa ulo ko bago inabot sa kanya ang supot ng cookies na hawak mo. "Ito nga pala. Thank you gift and peace offering for everything that I did last evening."



Bumaba ang tingin niya sa hawak ko, kinuha ito, at binuksan para silipin. He gave me his warmest smile after taking a peek and slowly caressed my hair.



"Bakit ba hindi ka nalang ibigay sa akin ng Diyos?"



"Huh?" Tinaasan ko siya ng kilay bago siya tumalikod sa akin at bumuntong hininga.



"Before I came back to the Philippines, I asked God to give you back to me. Pero mukhang ito nga talaga ang gustong ipamukha niya sa akin." Muli siyang humarap sa akin and held my hand. "She gave you to me before. And that was supposed to be my once in a lifetime opportunity to make you mine forever. But I ignored it."




Napabuntong hininga ako. Despite of our closure talks, hindi pa rin talaga nakakamove on si Hanson. I don't want him to suffer like this anymore.



A Little Bit of SunshineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ