"Matutulungan mo na ba ako? Matutulungan mo na ba akong solusyunan ang problema ko?"



Walang masamang sumubok na humiling. Kaya naman hinawakan ko ang kwintas at madiin na sinara ang mga mata ko para sa kahilingan ko. Hiniling ko ang kaligtasan ni Break at ni Nanay. Hiniling ko rin na makonsensiya si Renzo at bigla nalang magbago ang isip niya. At hiniling ko na walang buhat ang maisasakripisyo sa panahong to.



Sana nga lang talaga bumalik na ang kapangyarin nitong kwintas. But if it still can't grant my wish, paano ko mababalik ang kapangyarihan nito?



"Sunshine?"



Automatikong bumukas ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Hanson. Our eyes met each other and after that, he spread his arms and gave me a tight hug.



"H-Hanson. It's my fault." Tinakpan ko ang mga mukha ko nang maramdaman kong bumuhos lalo ang mga luha ko. "I-I'm sorry. This is all my fault. I'm so sorry."



"No Sunshine. This is not your fault, okay?" Hanson removed my hands from my face, wiped my tears and gave my forehead a kiss. "Please stop crying. Mahahanap din natin si Mama. Everything's going to be alright."



"Pero kung mas mabilis ko siyang napuntahan, baka hindi siya nalapitan ni Renzo." Napakapit ako sa bewang niya. "Pasensya na. Pasensya na talaga."



"Walang may kasalanan nito Sunshine. Walang may alam na may mangyayari palang ganito, okay?" Hanson held my hand and gently squeezed it. "Tumahan ka na. Mama will not be happy to see you like this."



Ilang oras ang lumipas ay pinauwi na muna kami ng mga pulis sa bahay namin. I didn't want to go home yet hanggat hindi pa nahahanap si Nanay but the police promised that they will contact me immediately if they already have news about her.



"Umuwi nalang muna tayo, Sunshine. Para makapagpahinga ka na." Hanson held my hand tightly before facing the police in charge. "Thank you po Sir. We hope to hear from you very soon."



Sumakay kami nila Happy at Greggy sa kotse ni Hanson. They wanted to sleep for a night at my condo pero naalala nilang marami pa silang kailangang ayusing grades sa school. Kaya naman una na silang hinatid ni Hanson sa bahay nila bago siya muling nagdrive para ihatid ako sa condo.



"Are you sure you'll be fine alone, Sunshine?"



"Oo naman Hanson. Sanay naman na akong mag-isa." I said before looking outside the window. But I immediately stopped when I felt like it sounds so bitter. "Oh sorry. Basta okay lang ako. Magiging okay lang ako."



"I'm sorry din. Nag-aalala lang talaga ako sayo." Agad akong napalingon sa kanya. "That's why aayain nalang sana kita na pumunta sa bahay ko."



"Ano namang gagawin ko doon?"



"I don't know. I just thought that I want to keep you safe as long as hindi pa nakikita si Mama." Tinitigan ko siya bago ako bumuntong hininga.



"If you're thinking that I might kill myself Hanson, nagkakamali ka." I saw how many times he gulped because of those words. "Yes. I might be blaming myself at this point but I still need to personally say sorry to Nanay."



Muli akong tumingin sa labas at nakitang papalapit kami sa isang bukas na simbahan. Agad ko tuloy sinabihan si Hanson na dito nalang ako bababa dahil may kailangan pa akong gawin at hinayaan niya naman akong bumaba ng kotse.



Sa pagpasok ko sa simbahan, mistulang bumigay ang buong mundo ko nang magkatama ang mga mata namin ng mga santo. Napakatahimik ng paligid dahil walang katao tao. Pero pakiramdam ko, may mga isip ang mga rebulto at hinuhusgahan na nila ako.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now