Naalala kong marami nga palang mga tao na bumibisita sa puntod ng mga mahal nila sa buhay na nasa malapit. Kaya naman agad akong napalingon para alanganing ngumiti at humingi ng sorry sa mga tao.



"Sorry po! Sorry." Bumalik ang tingin ko kay Mr. Carriaga who's lis are still parted due to surprise. "Ano bang problema Mr. Carriaga?"



"I'm sorry. I was just really surprised!"



I watch Him as he remove one of his gloves, comb his hair through his fingers before putting it back on. Magkasalubong lang ang mga kilay ko habang pinapanood siyang maging balisa habang malalim na nag-iisip.



"Hey. Bakit nga? You're making me nervous-"



Break's gaze landed back to me before he heaved a deep sigh. Tinaasan ko siya ng kilay and that made him start speaking what he really needs to say.



"I don't have any brother nor sister, Sunshine." Nagulat ako bago tumingin sa puntod ng Mama niya.



"Wala kang kapatid? So who the hell is Renzo?" Napalunok ako bago bumalik ang tingin kay Mr. Carriaga.



"Who the hell is that man?"



"You should ask that question to yourself first, Sunshine."



He turned his back and started walking away. But before he could leave me hanging, he stopped and walked back towards me.



"You should seriously stop talking and trusting strangers. We don't know, they might put you in danger."



Kinuha niya mula sa bulsa niya ang kanyang calling card. He motioned me to raise my hand kaya naman wala sa sarili akong sumunod sa kanya at nilahad ang palad ko sa harap niya.



"I have connections so don't hesitate to give me a call if ever you need help."





Umuwi na ako sa unit ko while still thinking about Renzo. Ngayon ko lang narealize na after all these years, naging misteryoso talaga siya sa akin.



Ni isang beses nga eh hindi siya nagpakita ng mukha sa akin. Kahit na itinuring ko na siyang kaibigan mga mata niya lang ang nakikita at boses niya lang ang naaalala ko.



Kaya naman paano ko pa pagkakatiwalaan ang lalaking yun? Paano kung masama nga talaga ang intensiyon niya kaya siya lumalapit sa akin?



Nakaramdam ako ng mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko tuloy mapigilan na huminto sa convenience store at bumili nanaman ng alak para kumalma.



Ngunit nang makarating ako sa unit ko, dahan dahan kong naitago sa likuran ko ang beer nang sumalubong sa akin ang mukha ni Duke. As usual ay suot niya ang salamin niya, magkasalubong ang mga kilay, at sinusubukang silipin kung ano ang itinatago ko sa likuran ko.



"Akala ko ba maaga kang uuwi? Pero bakit antagal mong nakarating?"



"Naisipan ko lang namang dumaan sa sementeryo." Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina habang tinatago pa rin sa likod ko yung beer. "Bakit ka ba nakabusangot? Ganyan ba ang epekto sayo ng review para sa bar exam?"



"Psh. Ganito lang talaga ako kapag may itinatago ka sa akin." Natigil ako sa paghakbang at tinitigan siya habang papalapit siya sa akin. "Ilabas mo na yan. Kung hindi, itatapon ko lahat ng yan sa-"



Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang binigay sa kanya yung plastic na may beer. Akala ko itatapon niya talaga sa labas ang mga ito ngunit kumuha siya ng isa at sinimulan itong inumin.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now