Chapter 8

7 2 0
                                        

"Matagal pa raw ba?"

Kanina pa ako nakatingin sa schedule ng mga flights ngayong araw. Pabalik-balik nga ang tingin ko sa ticket na sinend niya sa akin, sinisigurado kung tama ba ang pinuntahan na airport. Sinakto ko na nga ang punta para pagdating niya ay hindi na siya maghihintay. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong matanaw na pamilyar na mukha.

Pinaghahalo na kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kinakabahan kasi baka she looks different na. Na baka ang taas na niya, gan'yan. Excited din naman kasi sa ilang taon na hindi ko siya nakasama ay sa wakas, makakasama ko na ulit.

Lumipat ako ng tayo, nagbabaka sakali na makita siya pero nabigo ako. Naupo ako sa waiting chair at chineck ulit ang ticket. Tiningnan ko ang schedule sa screen. Kanina pa naka-landing ang eroplano na sinakyan niya. Nang tumingin ako sa orasan ay halos mag-30 minutes na rin.

"Uy," he laughed. "Kinakabahan ka ba?" Nakapamulsa siya sa harapan ko at nakangiti. Nang hindi ako tumugon ay napanguso siya at naupo sa tabi ko. "Baka naman na-late lang, o 'di kaya may inaasikaso sa loob."

Sasagot na ako nang mag-vibrate ang phone ko. It's her. Sinagot ko agad iyon at naghintay ng sasabihin niya. Nanlumbay agad ako at tumingin kay Kier pagkatapos ko siyang makausap. Hindi na ako nagtaka nang manlumo rin siya matapos marinig ang sinabi ko.

"Tama na 'to, ha?"

"Iyon ang sabi niya, eh..."

Mauupo pa lang ako nang may matanaw na ako mula sa malayo. Nanliit ang mga mata ko at tiningnan si Kier. Inosente niya lang inililibot ang paningin sa kabuuan ng airport. Nang tapikin ko siya ay nanlaki ang mga mata niya. Tiningnan niya ako ulit matapos niyang tingnan ang itinuro ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita at hinawakan ang kamay niya para tumakbo.

"Oh my! Shani!"

Binitawan ko ang kamay ni Kier at hindi na nagdalawang-isip na yumakap sa kanya. Naramdaman ko agad ang init niya at naamoy ko agad ang bango ng kanyang presensiya. Yakap niya ako ngayon habang paulit-ulit na umiimik ng 'I missed you'.

"Ang ganda-ganda mo pa rin!" Sinsiro siyang ngumiti sabay tawa. Niyakap niya ako ulit at hinaplos ang buhok ko. "Aaa! I missed you!"

"Pumuti ka lalo, Rheezelle." Tumawa si Kier at lumapit na rin. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa kaibigan. "Kumusta?"

"Mr. Dorrence!" Lumapit siya kay Kier at deretsong yumakap dito. Niyakap siya pabalik ni Kier at tinapik ang likod niya. "Grabe, tumaas ka lalo. Hindi na kita ma-reach, ha."

"Psh, maliit ka lang talaga."

"Gago!"

I was just staring at them, smiling. Although, even though Rheezelle is here, may lungkot pa rin sa akin. I was expecting na dalawa silang darating. I was expecting na dalawa ang susunduin namin ngayon. Nakatitig ako no'n kay Rheezelle nang mahuli niya ang tingin ko. Nawala ang ngiti niya sa labi at lumapit sa akin.

"She's still healing," she smiled. "Pabayaan mo na muna. Hindi lang naman sakit niya ang pinapagaling niya."

"Yup, I know."

"Tara na, tara na." Pinutol ni Kier ang usapan namin at kinuha na ang mga bagahe ni Rheezelle. Napatitig siya saglit sa amin, may sinasabi ang mga mata, pero hindi na lang din nagsalita. "Kain muna tayo."

Nagkatinginan kami ni Rheezelle, nag-uusap ang mga mata. She just held my hand and gestured me to walk. Tahimik kami habang nasa biyahe. Alam naming tatlo na may gusto kaming sabihin pero hindi na lang nagtatangka.

Sa McDonald's na lang kami tumigil dahil iyon ang pinaka-malapit. Si Kier na ang um-order ng makakain, at kami naman ni Rheezelle ang naghanap ng mauupuan. Seryoso ang conversation naming dalawa nang dumating si Kier. Enough reason para tumigil kami sa pinag-uusapan.

Abide In There Until TomorrowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt