Pero, bilib ako kay Chieri. After all the pain she went through, naging si Princess siya, naabot ang pangarap maging international singer ng Korea. Sa lahat ng sakit na nakuha ni Chieri, she managed to love Zach whole-heartedly. Kung ikukumpara siya sakin, mas marami na siyang pinagdaanan na sakit. Mula pamilya hanggang kay Zach. The worst cases. Pero ako, isang akala na nangyari sa amin ni Chase binitawan ko yung tao.


Luminga ako dahil may napapansin akong may kulang. Natapos naman akong kumain agad kaya kinuha sakin ni Ina yung paper plate ko.


"Wait lang, ha?" Ani ko kaya tumango siya.


Umalis ako doon at nagpatuloy sa paghahanap. Si Chase, wala dito. Naglakad ako palagpas sa likod ng van at naghanap ulit. Nasa van ang clubmaster ko kaya nanliliit ang mata ko dahil sa sinag ng araw.


"Irina," tawag sakin ng boses ng taong hinahanap ko.


Tumingin ako sa likod ng van at nakita ko si Chase na nakaupo doon. Kumakain rin siya ng nakakakutsara kaya lumapit ako sa kanya. Yung paper plate niya nasa may hita niya at seryoso siyang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya saka ako sumandal sa may van sa tabi ni Chase.


"Okay ka lang?" Tanong ko rito.


"Nope. Can't seem to right." Sagot niya saka siya sumubo ng kanin.


Napaisip ako. Nakakaawa kasi eh. "G-gusto mong... Pakainin na lang kita?" Tanong ko ulit habang nakatingin sa kanya.


Nang tumingin si Chase sa akin ng nakangisi ay umiwas ako agad ng tingin. Napalunok pa ko at biglang nagsisi. Da't kasi huwag na lang. Irina dami mo ring alam minsan eh.


"Pwede ba?" Tanong ni Chase.


"W-wala lang naman para sakin yun." Sagot ko saka ko siya tinignan at ang hunghang ay nakangisi pa rin.


Umiwas ulit ako ng tingin. Inabot sakin ni Chase ang plato niya at medyo nagulat ako. Inaasahan kong aayaw siya pero bwiset si Chase ito. Kailan ba siya umayaw pagdating sa akin?


Kinuha ko ang plato niya saka ako umalis sa pagkakasandal ko. Umupo ako sa harap niya at pinatong sa may hita niya ang paper plate para madaling kutsarahin. Hiniwa ko ang ulam gamit ang kuysara't tinidor saka ko pinakain kay Chase. Nilagay ko sa ilalim ng baba niya ang kaliwang kamay ko saka ko isinubo ang kutsara ni Chase sa kanya.


Nginuya ni Chase yun at nang matapos siyang ngumuya ay bigla siyang nagsalita.


"Have you ever tried doing this to Kurt?" Tanong niya sakin.


Umiling ako kay Chase at pinakain ulit siya. Binilisan niya ang pagkain hanggang sa natapos na siya. Para akong nanay na nagpapakain ng anak. Kinuha ko sa tabi niya ang bite ng Sola at doon ko nilagay ang paper plate. Binuksan ko ang takip ng Sola saka ko binigay kay Chase pero hindi siya uminom.


"Why not?" Tanong niya pa ulit.


"Wala lang. Hindi ko lang makita ang sarili ko na ginagawa kay Kurt ito." Sagot ko.


"At nakikita mo na sakin mo ginagawa instead?" Isa pang tanong ni Chase.


Nagkibit balikat ako at nag-isip ng maisasagot. "Nakakaawa ka kasi kaya ko ginawa yun." Sagot ko.


"So kung hindi ako nakakaawa, hindi mo gagawin. Ganoon ba?" Ani Chase at uminom na siya ng Sola.


Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung hindi nga ba siya nakakaawa, hindi ko nga ba gagawin yun? Oo? Hindi? Pwede? Hindi ko alam ang pupwedeng sagot. Baka makasakit ako bigla, 'wag sana ganoon.


"Hindi ko rin alam. Depende." Sagot ko.


"Gusto ko." Sagot niya at binigay sakin ang Sola niya.


Kunot noong tumingin ako kay Chase at nagtanong. "Ang alin?" Tanong ko sa kanya.


Ngumiti siya sakin bago sumagot.


"Gusto ko na sakin mo lang ginawa yun. I don't just like it. I love it, too." Sagot niya sa tanong ko.


Napakagat ako sa labi ko sa narinig kay Chase. Patago akong umiling saka ko kinuha ang pinagkainan niya. Binigay ko ulit sa kanya yung bote ng Sola niya saka ako tumayo. Akmang aalis na ko ng harangan niya ang dinadaanan ko gamit ang bisig niya at pinabalik ako sa kinauupuan ko kanina. Matangkad si Chase kaya hindi siya nahirapang hawakan ako sa batok at payukuin ako.


Sinalubong ako ng halik ni Chase sa labi. Tulad ng dati ay marahan pero mababaw sa ngayon. Sa gulat ko ay hindi ko siya tinugunan. Bumitaw rin naman siya sakin agad matapos ang ilang segundo at binitawan ako.


"Thank you." Aniya at umiwas ng tingin sakin.


"S-saan?" Tanong ko rito.


"For everything." Sagot nito.


Nang sabihin ni Chase yun ay may natunaw na naman sa akin. Ngumiti ako kay Chase at yumuko. Hinalikan ko si Chase sa pisngi saka ako nagsalita.


"You're welcome." Sagot ko at umalis na.


Binigay ko kay Ina ang pinagkainan ni Chase. Tumingin pa sakin si Ina pero nginitian ko na lang siya. Alam kong si Ina ang nagiguilty para sa mga ginagawa ko. Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya ang tungkol sa kagustuhan ko ay may parte sa kanyang hindi sumasang-ayon pero wala siyang magawa.


Mag-iisang taon na kami dito ni Ina at mag-iisang taon na rin simula nang isipin ko ang kagustuhan ni Chase. Simula nang ibigay ko sa kanya ang gusto niya. Malapit na rin umuwi si Kurt. Sa Friday siya makakarating kaya hangga't maaari pinagbibigyan ko na lang rin si Chase.


Pero sa bawat araw na dumadaan. Sa bawat effort na ginagawa ni Chase para sakin. May mga panahong hindi ko naiisip si Kur at palaging may natutunaw sa dibdib ko. Hindi ko makausap si Ina tungkol dito dahil tulad ng sabi ko sa kanya ay ayusin niya ang sa kanila ni Zane kaso lang hindi ko talaga maiwasan ang mag-isip. Matitigil kaya ito sa pag-uwi ni Kurt?

Nothing But StringsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant