"Kendra, Kendra? Wanna taste a green orange?" Simula ni Ina.


"Green orange for real?" Pakikisakay ni Kendra.


Nagsisimula pa lang sila pero tawang tawa na ko. Si Zane ay mahinang napapamura sa tabi ko habang natawa. Gumalaw sila Zach sa harap at narinig ko ang halakhak niya hanggang dito. Gising na ata si Chieri kaya nakikitawa na.


"Amoy na amoy!" Tuloy ni Ina.


Kumanta si Ina at si Kendra. Natawa na ko ng sobra at ang gulo gulo naming apat sa likod. Si baby Shin ay tahimik na kumakain ng tinapay habang kandong siya ni Ina. Dahil tuwang tuwa ako ay umayos ako ng upo dahil naglolokohan na talaga kami sa likod ng van. Ang kokorni pa ng jokes nung mga lalaki, sumali pa si Justin at Nathalie kaya nagkakatulakan ng mahina.


"Isa pa Kendra!" Utos ko kay Kendra.


"Bitches! Ayoko na!" Aniya kaya napatakip ako sa tenga ni Shin saka ako tumawa.


Busy pa kami sa tawanan nang tawagin ni Chieri si Ina. Mukhang may topak pa si Ina kaya iba siya sumagot ngayon.


"Oh bakit? Kailangan mo ng baby bottle?" Tanong niya kay Chieri.


Natawa na naman ako at sa tuwa ko ay tinulak ko ang ulo ni Ina palayo sa akin. Nauntog siya sa bintana at tumunog pa ang pagkakauntog niya sa bintana. Nagtawanan kami nila Nathalie sa nangyari. Mahina akong hinampas ni Ina sa hita at nagsalita.


"Aray ko! Pucha naman Irina, tuwang tuwa eh!" Aniya sakin at natawa na ulit ako.


"Don't cuss, Ina." Sabi ni Zane sa tabi ko na nakangisi.


"Tse! Ano na, Chieri?" Tanong ni Ina.


Si Zach na ang sumagot. Nanghihingi sila ng pagkain dito sa likod gawa't halos lahat ng baon na pagkain ay nasa may likod ng upuan namin kasama ng mga gamit namin. Ang mga sandwiches at iced tea lang ang nasa harap namin nila Nathalie. Inabutan ni Ina si Nathalie ng sandwiches at nakisuyo na ibigay kay Zach. Nag-alok naman ng iced tea si Nathalie saka kami medyo natahimik.


Nagkukwentuhan sila Nathalie tungkol kay Juniel. Saka ko lang nalaman yung tungkol sa break up rin nila Nathan. Kung hindi ba naman kasi gago si Nathan, ang daming insulto ang sinabi sa girlfriend. Hindi lang yun. Nanloko pa. Kapag nakita ko talaga si Nathan doon masasapok ng 'di oras yun.


Maya-maya ay nakarating kami sa simbahan dito sa Mabini. Nagpark ang driver namin malapit sa isang malaking puno. Binuksan ni Chase ang pinto saka sila naunang lumabas ng van. Binuksan nila ang likod ng van at inilabas ang pagkain. Nakita ko pa si Zach at Chieri na pumasok sa simbahan para magdasal.


Kumain kami sa may van at nagtatawanan pa rin sila. Naagaw ang pansin ko nang umalis si Zach sa grupo at puntahan si Chieri sa may ilalim ng puno. Binali pa ni Zach ang ginagamit na plastic spoon and fork ni Chieri saka niya ito sinusubuan ng nakakamay. Sila, sila ang mag-ex na nakakatuwa tignan. No awkwardness at halata kay Chieri na mahal niya pa so Zach. Hindi niya lang masabi sa takot.

Nothing But StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon