"Sorry."

"You're straightforward person. How'd you know?" She asked me nung mahimasmasan na siya.

"I-I.. ahm.. it's just that... No boys are allowed to enter here?" Hindi pa ko sigurado sa naging sagot ko.

Tumawa lang ito bago tumango at tumayo. "Samahan mo ako." Nakangiting saad niya na nagpataas ng kilay ko. Nakatingala na ako sa kanya ngayon dahil nakaupo parin ako.

"Sa cafeteria." Pagtapos niya pero umiling lang ako.

"I'm sleepy." I answered her at muling inayos ang upo at pumikit...

"Abo." She said kaya napamulat ako at tinaasan siya ng kilay.

"Hehe. Ash, Abo." She said na may kasama pang pagtaas ng kilay. I rolled my eyes at pumikit muli. Daming alam.

"Abo"

"Uyy!" She called me again at may ibinato pa na hindi ko alam kung ano.

Ang kulit naman nito. Sabing inaantok ako e.

"Okay. Akin nalang tong bag mo ha? Ba-bye!" Napamulat ako ng marinig ang sinabi nito.

Nang makita ko ito ay naglalakad na siya suot ang bag ko. Panong napunta yon sa kanya?

"Saige! What the heck!" Mahinang sigaw ko dito bago siya sinundan.

"Give me back my bag!" Hiyaw kong muli. Ng mapansin niyang nakasunod na ako sa kanya ay lalo pa niyang binilisan ang takbo.

"Damn you, Saige. Give me my bag!" Inis kong saad habang hinahabol parin siya na ikinatawa niya.

"Sa cafeteria na." Sagot nito at bigla nalang tumakbo. Anak ng! Hindi na ako pweding tumakbo ngayon dahil inatake ako ng asthma ko kagabi at kabilin bilinan ng doctor ko na huwag muna akong magpapakapagod ngayon. Ang akala ko lang talaga ay makakapasok pa ako kanina kaya kahit bawal ay tumakbo ako.

Wala na akong nagawa kundi ang sundan ito.

Pagpasok ko sa cafeteria ay walang ibang tao maliban sa mga nagtitinda at dun sa walang hiyang Saige na bumibili na ngayon.

Umupo nalang ako sa napili kong table at nagdukmo habang hinihintay siya.

Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng loob ko sa babaeng yon. Kahit si Rei ay nahirapan bago ako makausap... Well, maybe because I am healed now? I mean... Not that totally healed but I am now can socialize at least to others.

"Umayos ka naman ng upo. Respeto sa kakain." Tinignan ko ito ng masama bago ako umupo ng maayos.

Ang dami naman niyang pagkain. Mauubos ba niya to?

"My bag?" Saad ko dito.

"Oh. Salamat~" Malawak ang ngiti nito habang inaabot sa akin ang bag.

I raised my my eyebrow. Bakit ba siya nagpapasalamat? Dahil ba sa sinamahan ko siya?

"Wala akong dalang pera, kaya kinalkal ko na bag mo. Sakto nandyan yung card, don't worry sinauli ko--"

"What?!" Putol ka sa sinabi nito at kinalkal ang bag ko

"Sorry. Hehe. Nakalimutan ko, wala akong dalang pera, kinaladkad lang din kasi ako ni Elora dito e. Wala akong ibang kinuha, promise!" Kakamot-kamot sa noo nitong paliwanag.

Anak ng! Walang hiya talaga. Kakakilala palang sa akin, ninakawan na agad ako 🤦

Pagsasabihan ko na sana siya ng biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito ng masama bago tinarayan at sinagot ang tawag.

"What?" Inis kong tanong kay Kuya Ashton.

Dinig kupang humagikgik ang kasama ko at pailing iling na kumain.

Her SaviorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora