"No one knew 'til yesterday night. Dumating ang ina niya para ibalita dito ang nangyari at sa minalas-malas, may nakarinig na ibang estudyante." I heard her sighed, "Pilit na itinago ng Admin ang katotohanan simula noong pumasok ito ngayong June bilang first year. They did it to save the girl from any kind of bullying but in just a single night, boom! Everyone's hating her, hurting her, and making fun of her. Para niyang minana ang kasalanan ng ama niya. Isn't that stupid? Oo, masama ang ama niya. Pero hindi ibig sabihin non ay ganon rin siya. People, really, are judgmental." Nakapanglingo nitong sabi saka ipinagpatuloy ang pagkain.


I, on the other hand, felt a pang of guilt building upon me. Pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanya. Noong hindi pa kasi nababago ang nakaraan, that girl is loved by everyone. Mabait ito. Masiyahin. Mapagbigay. Palakaibigan. She possess that youthful glow every child has. But after last night, her world turned upside down. Hindi ko na tuloy alam kung tama ang ginawa ko kahapon.


Tumingin ako kay Jazz na tahimik ng tinatapos ang kinakain niya. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano ang dapat kong gawin. But it dawned on me. I can't ask her anything about this cause if I did, I have to tell her about the time traveling itself.


"Aalis ka na? Ayaw mong magsimba?" tanong nito nang tumayo ako.

"Not now. May pupuntahan muna ako, Jazz."


*~*~*


Binuksan ko ng kaunti ang pinto ng closet at dito sumilip, checking every now and then if there was someone inside the room. Nang mapansing wala naman ay binuksan ko na ito ng malaki at lumabas mula rito. It seems like both of them aren't here.


Saan kaya sila?


Napatingin naman ako sa kalendaryong nakasabit sa itaas na bahagi ng pader. Muli ko itong pinagmasdan, trying to let the date sink in to my head. Siguro, tulad sa hinaharap, August 09 rin dito ngayon though 2005 pa lang ang taon. A ten year difference from where I came from. Akala ko noon, hindi totoo ang mga ganitong uri ng pantasya. Who would have thought I'll be experiencing it now?


I turned my back to it and went straight to the room's door.My hand was already on the doorknob just when it turned on its own. Or so I thought.

Bakas sa mukha nito ang gulat nang buksan na ng tuluyan ang pinto. I beamed at him and before I knew it, he already held my wrist, pulling me to go down with him. Mabilis kaming nakababa mula sa second floor ng kanilang bahay and he led me to their sala set. Itinago niya ako sa likod niya. "Look who I've found, Kervs! Surprise!" Tumabi siya para makita ako, "Si Chenee!" masiglang sigaw nito sa kanya na tila hindi natutuwa sa pagdating ko. Well, kailan pa ba siya natuwang makita ako? Hmm, are his hug and smile yesterday counted? Kasi kung hindi, masasabi ko talagang ni minsan hindi siya naging masaya na makilala ako.


"Hindi mo man lang ba siya babatiin, Kervs?" tanong ni Kester sa kanya nang ibalik nito ang tingin sa pinapanood sa tv. "O baka naman, ikaw nagpapasok sa kanya?!" Nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa hanggang sa itulak ni Kervin ang kanyang mukha sa kabilang direksyon.


Ngumuso ito at itinulak si Kervin, dahilan ng pagkakahiga nito sa sofa. Hindi ko tuloy napigilang matawa sa kanila. I really find both of them adorable! Naalala ko ang ga panahon na ganyan rin kami ng kapatid ko. Parang aso't pusa. But in the end of the day, we're still there for each other.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon