I expected that she will be digging up more about our connection but I was able to breathe with relief nang ayain niya na kaming tumayo. Pumunta kami sa gitnang bahagi ng gymnasium at nakatayong hinintay ang ibang contestants na magpaparticipate.



"Hey Sunshine." Nilingon ko si Hanson ng kalabitin niya ako.



"Ano?" Tinaasan ko siya ng kilay. Siyempre balik attitude mode ako.



"Are you really sure about this?" One of his eyebrows raised. "Oh wait. Let me rephrase the question. Alam mo ba kung anong laro to?"



Nagsalubong ang mga kilay ko, nginiwian siya bago tinignan ng hindi kapani-paniwala.



"Tingin mo ba taga bukid ako? Walang alam sa larong to?! HELLO! Siyempre alam ko kung ano ang paper game no!" Inirapan ko siya at hinarap ang teacher na nag-abot sa akin ng mangkok ng mga papel na nakacut into small squares. "Thank you Maam-wait."



Inangat ko ang isang papel at tinitigan ito ng ilang segundo.



"Ohmygosh! Seryoso ba kayo?! Ganito lang kaliit yung papatungan namin?!"



"Ano pong papatungan Maam?" The teacher looked at me with so much confusion. "Hindi po yan papatungan! Yan po yung mga papel na pagpapasa-pasahan niyo."



"A-Ano? Ano ba tong game na to?!"



Naguguluhan pa rin ako nang sabihan ni Hanson yung teacher na siya na ang bahala sa akin. Kinalabit naman ako ng lalaking to, hinawakan ang magkabilang balikat ko at pinihit ang katawan ko upang makita ang isang pamilyang contestant sa kaliwa namin.



"Tignan mo yung pamilyang yun, Sunshine."



Nagsalubong ang mga kilay ko when I saw the woman who was the wife of the family place the paper on his mouth. I observed them quietly and I gasped really hard when her husband got the paper from her mouth sa pamamagitan lang ng kanyang labi at paghigop ng papel.



"What the-!?"



"Yes Sunshine. Ganyan ang gagawin natin." Nilingon ko siya with a horrified expression on my face.



"Pwede pa bang magback out?" Hindi ko hinintay ang sagot niya at sinenyasan yung teacher na malapit sa amin. "Maam! Pwede po ba kaming magback out?"



"Nako Maam! Hindi na po pwede! Magiistart na po yung game kasi kumpleto na yung mga contestants!" Napangiwi ako at muling hinarap si Hanson na nakangiti lang habang ako naman ay mukhang natalo sa lotto.



"It's okay Sunshine. Gagalingan natin." Yumuko siya para kausapin sina Shelly at Coral. "Alam niyo naman na yung game natin Shelly at Coral, diba?"



"Yes po Ninong Hanson!" Masiglang sagot ni Shelly.


Binigyan kami ng dalawang minuto ng emcee para ipractice yung game. Coral will start the game dahil siya ang may hawak ng mga papel. Pinanood ko naman sila Shelly at Coral na dinemonstrate sa amin kung paano sila magpapasa and I admit that they really did great.



"Then Ninang Sunshine! Ikaw ang sunod sa akin." Shelly Intructed at tinapat ang papel sa bibig niya. "Kayo naman po ang kukuha ng papel mula sa akin."



"Okay?"



I awkwardly replied bago ako nagsquat at kinuha kay Shelly yung papel. Pagkatapos kong mahigop ito ng successful, kinuha ko na muna yung papel sa bibig ko.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now