Napahawak ako sa ulo ko habang pinapanood siyang gumawa ng malalaking hakbang papalabas ng kwarto. And the moment he closed the door, I dived into the bed grabbed a pillow and used it to cover my mouth as I shout:



"PVTANGINAAAAAAAAA!"




Tahimik kaming kumain ni Duke sa hapag kainan pagkatapos kong maligo at makapag-ayos. Sa kotse naman, halos mamatay ako sa awkwardness sa atmosphere namin. Pasimple ko tuloy inumpog ang ulo ko sa bintana at kinagat ang labi ko habang nakatingin sa labas.



Myghad Sunshine! Ang tanda tanda mo na pero hindi mo pa rin madifferentiate ang panaginip at ang totoong buhay?!



This is definitely my fault. All my fault because of drinking those can of beers. My fault for not riding my own car because I want to stay away from him. My fault for not forgiving him despite of asking me that he's sorry.




Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Buo na ang loob ko! Magsosorry ako dahil dun!



"Duke-"

"Sun-"




Nilingon ko siya nang magkasabay kami sa pagsasalita. Gusto ko na sanang manghingi sana ng sorry pero napansin ko nanaman ang pamumula ng mukha at tenga niya.




"Uhm. Okay ka lang ba?"



"Y-Yeah. I'm fine." Pinalakasan niya ang aircon before blowing air from his mouth. "Anong sasabihin mo sa akin?"




"It's just about that..." Napalunok ako. "...that kiss. You know that I don't mean it right? Talagang akala ko lang na nasa pana-"




"It's okay Sunshine. It's really okay." Duke glanced towards me and gave me an awkward smile. "It's just a mistake. So let's just forget about it."



Tumango ako bago muling tumingin sa dinadaanan namin. I suddenly felt butterflies inside my stomach when I remembered that kiss. Ngunit nagsalubong ang mga kilay ko nang maisip na hinalikan niya ako pabalik.



He was in the right mind earlier. Kaya bakit niya ako hahalikan pabalik?



Duke dropped me on my condo and I coud still feel the awkwardness lurking between us. I bid him goodbye and immediately entered the condominium para makapunta na ako sa unit ko. Nagpahinga ako ng ilang oras sa loob but even if I was sleepy, hindi ako makatulog.



"Bakit nga ba siya nagrespond sa halik ko?" Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko. "Bakit hindi siya nagpumiglas? Bakit nagbablush siya kanina?"



Naputol ang ilang oras kong pagmumuni-muni sa higaan nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Nagmamadali naman akong tumayo at pinagbuksan ang mga hindi ko inaasahang tao na bibisita sa akin.



"Olivia! Shelly! Coral!"



Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mag-iina sa harapan ko. Olivia has the usual calm smile on her face while Shelly and Coral, her two daughters with Bryle, are wearing their most adorable smiles in the whole world.



"Hi Sunshine!" Niyakap ako ni Olivia at hinalikan sa pisngi. "Long time no see!"



"Hello po Titaaaaa!" Sabay namang yumakap si Shelly sa bewang ko habang si Coral ay yumakap sa binti ko na nagpahalakhak sa akin. "We miss you!"



"Miss na miss ko din kayong tatlo! Tara pasok na muna kayo!"



Agad kaming nagkamustahan at nagkwentuhan ni Olivia tungkol sa mga nangyari sa amin nung nagdaang buwan. Sina Shelly at Coral naman ay todo kain ng mga inihanda kong sweets at snacks para sa kanila sa lamesa.



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now