Nang matapos na kami roon ay pinaalalahan nila ulit akong huwag na munang lumabas at magtingin sa online. Sila na ang bahala sa lahat at aayusin iyon bukas na bukas.

Mommy was so worried she didn't leave my side. Alam kong nag-aalala sila ni Daddy pero hindi lang sila nagsasalita masyado. Naiwan si Dmitri at Mr. Anderson na nag-uusap. Pero nang umalis si Mr. Anderson ay pumalit si Kuya Ethan at nag-usap silang dalawa.

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Kuya Ethan.

"Okay ka lang ba? Ate Ester called, baka pumunta sa bahay bukas. Pupunta rin kami ni Ate Thalia mo sa bahay..." he said.

Tumango ako at huminga ng malalim.
Ram offered to sleep in my room that night pero agad ko siyang tinanggihan. I think I can handle it on my own. I need to. Ayaw kong makaabala pa sa kanya lalo na't may sarili rin naman siyang pino-problema. Hindi man niya sinasabi sa akin, pero alam ko.

Pery called me that night. Nabalitaan nila ang nangyari at agad akong kinumusta. Gusto pa nga nila akong puntahan pero pinigilan ko sila. Kaya naman sinabing kinabukasan na lang pupunta. 

Malapit nang magmadaling araw nang tumawag sa akin si Keiffer. I was still up because I couldn't sleep at hinihintay ko ang text ni Dmitri na nakauwi na siya.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ni Kuya Ethan dahil magkasama silang umalis nang maihatid ako rito pauwi. He said he'll text me when he got home, wala pa rin hanggang ngayon.

"Was it Colt?" tanong ni Keiffer sa kabilang linya pagtapos kong sabihin sa kanya na hindi na niya kailangan pumunta bukas dahil okay naman ako.

It's just that, I saw some comments online that I find unfair. Pinagpipyestahan pa ang mga video at pictures. Masyado silang mabilis gumawa ng kwento at kung ano ano ang pinagsasabi sa akin.

Sabi pa ng iba ay ginusto ko raw iyon dahil hindi naman ako mapupunta sa sasakyan na iyon kung hindi ako sasama.

How could they judge me so easily when they don't even know the whole story? Sino sila para sabihin iyan? Sino sila para magmarunong at sabihing alam nila ang nangyari? Wala silang alam ni katiting sa kung ano man ang totoong nangyari sa kumakalat.

Were people really this unfair, insensitive, and cruel?

Hindi ako nakakibo. I couldn't deny it. I couldn't lie. I couldn't feed him lies.

"That night when we couldn't get ahold of you. It's not because you left... Isn't it? Kaya rin nawala ka ng ilang araw. Pati si Colt!" he cursed on the other line when he realized all about it. "I'm sorry, Eleanor... We tried to find you that night, hindi ko alam..." narinig ko ang pagsisisi at galit sa boses niya.

Hindi naman talaga nila kasalanan ang nangyari. Hindi nila alam na mangyayari iyon. Colt was their friend. And mine, too. Walang nakaisip na pu-pwedeng mangyari iyon. Hindi nila hawak ang isip ni Colt.

"You don't have to come, Eleanor. Naiintindihan ko. Mas gugustuhin kong magpahinga ka na lang din muna..." aniya nang mabanggit ko ang birthday niya next week.

"I'm fine, Keiffer. Pupunta ako..."

Natatakot ako na baka sa susunod na taon ay hindi ko na mapuntahan ang mga alok niyang ganito. Baka mas maging busy kami pareho at mas mawalan ng oras. Keiffer is a good friend. Ayaw kong palagpasin ito. He's been good to me ever since. Kahit hindi ko siya masyadong nakakasama na, alam ko 'yon. Kasi ganoon talaga siya. And this is one way of telling him I'm thankful for him.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Mommy and Daddy were against this. Ayaw nila akong paalisin. Kahit sina Miya lalo na't presko pa sa isip ng mga tao ang kumalat tungkol sa akin noong nakaraan linggo. But I convinced them.

Still into you (Professor Series #2)Where stories live. Discover now