CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A

Start from the beginning
                                    

''Pasensya kana kung nagiging ganito ako, ayoko lang kaseng maramdaman nila yung naramdaman ko nung huli ko nalang nalaman na may sakit pala si Juniel. Alam naba ni Tao yung kalagayan mo??''

Ngumiti lang ako..

''Wala na yung pakealam sa akin.'' sabay kutkot ko sa mga finger nails ko.. ''Mas pinili niya si Danita.. Kaya wala na akong laban.''

''Oo kase mas maganda si Danita sayo.'' tinignan ko lang ito ng masama.

''Wow ha? Thank you sa moral support. Kaibigan nga kita, tulak kita gusto mo??'' tininaas niya yung dalawang kamay niya na para bang sumusuko na sa pulis.

''Pero nakiki-usap ako sayo.. Na sana, huwag mo ng sabihin sakanya yung kalagayan ko. Gusto ko sumaya siya kahit sa piling ng iba.''

Pinat ni Shin yung ulo ko at bahagyang ginulo yung buhok ko.

''Kaya mo yan, pag natalo mo yang sakit mo na yan?? Sige, ibibigay ko sayo yung bago kong biling camaro'' ngumiti ako dito, yung ngiting nakaka loko.

''Walang bawian yan aa??''

''Oo.. Basta gawin mo yung part mo.. Twaylayt.''

Pagkatapos nun, bumaba na ako ng rooftop. Pero hindi paman ako nakaka pasok ng classroom may humatak naman sa kamay ko.

''Huli ka balbon, alam mo ikaw pasaway kang girlfriend.'' pinag taasan ko ito ng isang kilay,

''Anong girlfriend ang sinasabi mo?? Huwag kang mag feeling. Hindi pa kita sinasagot no.'' humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

''Danger?! Anon---''

''Mag dadate tayo.'' sabay ngiti nito sa akin..

''Pumayag naba ako??''

''kahit naman ayaw mo mag dadate pa rin tayo.'' napangiti nalang ako, dahil kahit papaano may handang mag mahal sa akin.

''Tara na??''

siguro nga dapat ko ng kalimutan si Tao. Bakit ko paba hahanapin yung taong wala sa tabi ko, kung meron namang taong handang mag mahal sa akin na nandito lang sa tabi ko..

''anong gusto mong kainin??'' pagkasakay na pagkasakay palang namin sa kotse ni Danger, nararamdaman kong sumasakit nanaman yung katawan ko. Ang bigat bigat sa pakiramdam..

''Twaylem.. Okay ka lang??'' ngumiti ako dito.

''Okay lang ako..''

''Okay? Tignan mo nga yang sarili mo, halos maligo kana sa sarili mong pawis. Hindi na tayo mag dadate.. Iuuwi na kita sa inyo.'' hinawakan ko yung braso nito.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now