CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A

Magsimula sa umpisa
                                    

''Twaylem, ganyan kaba ka desperada??'' si Danita na ang pumagitna, habang hawak-hawak niya pa yung pisngi niyang namamaga pa.

''Alam ko marami kayong pinag daanan.. Pero you're love story is already over! Bakit hindi mo pa tanggapin na, ako na ang mahal niya at hindi na ikaw!''

''Hindi ka niya mahal.. Naawa lang siya sayo. Kontrabida ka!'' sabat pa ni Donald.

''Hindi ako kontrabida, nag mumukha lang akong kontrabida dahil hindi ako ang bida sa storyang to. Hindi ako masamang tao, nag mumukha lang akong masama dahil nandyan kayo.'' halos mangiyak-ngiyak na ito.

Nakatingin lang kung saan si Tao.

''Ngayon Tao, mamili ka sa aming dalawa.. Ako o siya?''

Sinong pipiliin mo Tao?? Ako o si Danita.... Kase pag siya yung pinili mo, wala na akong magagawa.

Tumingin lang ito sa akin...

Pero yung pangalan ni Danita yung sinabe nya.. And it breaks my heart to see him choosing her over me.

''And now, malinaw na sayo ang lahat. Ako yung gusto niya at hindi ikaw. And this..'' hinalikan niya ito sa labi.

''Kita mo? Hindi man siya umangal, kase MAHAL NIYA AKO.''

''Bruha k----'' sasabunutan sana ni Donald si Danita, pero pinigilan ko ito.. ''Tama Donald, Let's go.''

''Pero Fifi..''bago kami tuluyang lumabas ni Donald may sinabi muna ako kay Tao.

''Sana pag namatay ako, nandun ka. Kase malulungkot ako pag wala ka.. Sa muli nating pag kikita.. Tao Yoshida.''

''Itigil mo na ang ka dramahan mo! Kung mamatay ka, mamatay ka! Hindi na babalik sayo si Tao. Dahil akin na siya!!''

Kahit pala mayaman kana't lahat lahat, hindi mo pa rin pala makukuha yung puso ng taong minsan mong minahal at pinag tabuyan ka papalayo. Wala nga palang magnet ang pera, Hindi lahat kayang bilhin at makuha.

Pagkaalis namin ng AFA dumeretso muna kami ng mall, gusto ko kasing bumili ng red liptint, red lipstick at blush on para kahit papaano magkakulay ako. Hindi nila kailangan malaman ang kalagayan ko.

Ayokong kaawaan nila ako.

''Fifi, yung super red yung bilhin mo para magka color ka. Try wearing red nail polish din'' sabay ngiti sa akin ni Donald.

 Habang namimili ito ng mga make-up lumapit ako sakanya at yinakap siya ng mahigpit.

''Oy ano yan?? Fifi alam ko kahit bakla ako gwapo ako, pero friend.. Shuding ako, orkot, merli, bading BAKLA, SIRENA..''

''Fifi, thank you.'' humarap ito sa akin at hinawakan niya ang noo ko.

''Mamamatay kana ba?? Bakit..  Ganyan ka?? O baka naman may gusto kang ipagawa..'' mataratarantang sabi nito sa akin.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon