BEFORE IT SINKS IN

Start from the beginning
                                    

I'm afraid of what might happen. And the truth. I'm afraid that that'll be the reason of our break up. No! I wouldn't let that happen! Hanggat maaari aayusin namin ang problema. Para saan pa ang tagal na pinagsamahan namin? But seeing him like that? I know that the problem is big and serious that he cannot open it up to me.

I would also cry every night that I feel like I'm starting to lose him. I kept on denying it. I can't lose him. Not my only person. Not my only home.

We are already sleeping on our bed. And with our usual position, he's scooping me over him. While I'm silently crying and covering my mouth. Because it felt different. It doesn't give me assurance anymore that we're okay.

I removed his hand on my stomach and wore my slippers. Dahan dahan akong pumuntang C.R para mag hilamos. Still crying. I cannot keep up with this anymore. I know that even we are couples we still have personal space. And I'm waiting for him to talk it to me whenever he's ready. But I think it would just create my trust issue to him if it would take longer.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas nang banyo. Hihiga na dapat ulit ako nang makita na umilaw ang cellphone niya. May nag text. Hindi ko na dapat papakialamanan dahil privacy niya iyon pero iba ang pakiramdam ko rito. Kinakabahan ako na natatakot mabasa.

I'm tired of being just curious to what's happening and waiting on him. So I grabbed his phone and opened it.

' UNKNOWN NUMBER:

Nasabi mo na ba kay Athena ang tungkol sa amin?'

Anong dapat sasabihin sa akin? At anong tungkol sa kanila? Masama na talaga ang kutob ko rito. Nalilito ako nang may panibagong mensahe.

' UNKNOWN NUMBER:

'Wag mo sabihing hindi ka pa rin naniniwala? Binigay ko na sa iyo ang patunay sa sinasabi ko. Parang awa mo na Matteo, hirap na hirap na kaming dalawa. Responsibilidad mo pa rin ito.'

And that made me frozen more. Curiosity took over my system. Anong tinatago nilang dalawa sa akin? At sino ito?

Bumaba akong kama at lumapit sa may bag niya. Tinignan ko pa muna siya bago buksan ito. Malapit lang ito sa bintana kaya nasisinagan pa rin ng ilaw mula sa labas.

Inisa-isa ko ang mga laman at nilabas. May nakita akong brown envelope na walang nakasulat sa labas kung ano ito. Naglalaman ito ng mga papel. Kinuha ko muna ang cellphone ko para buksan ang flashlight.

Na sana hindi ko na lang ginawa. Na sana tinulog ko na lang ito at hinintay pa siya.

It's a DNA test.

Pagod ako at namumugto man ang mga mata pero naiintindihan ko ang nakasulat dito. Sa unang papel nakasulat ang pangalan ng dalawang babae. Isang nasa 26 years old at alam kong pamilyar sa akin ang pangalan hindi ko lang maalala kung sino at isa namang 5 years old. Positive ang resulta at ang ibig sabihin ay magka dugo silang dalawa. Pagkakuha ko sa isang papel ay nagulat ako nang makita ang pangalan ni Matteo at ang batang babae. Tinignan ko ang resulta. Positive! They are blood-related!

It can't be! No! No... No... Hindi pwede! May anak na siya? I can't be wrong. Pero nang maalala ko ang nag text sa kanya ay unti-unti nakukuha ko na ang ideya. Pero paano?

Patuloy ang luha ko sa pag-agos at panay iling sa nabubuong ideya ng utak ko. Kaya ba parang ang lalim lagi ng iniisip niya? Ito ba 'yon? I want answer!

Nilingon ko siya at parehas kaming gulat ang mukha pagkaharap. Nagmamadali siyang bumaba nang kama at ako naman ay napatayo.

"Ito ba? Ito ba 'yung tin-tinatago mo sa a-akin?" My voice cracked while showing him the papers. "Sagutin mo ako, ano 'to?! Matteo naman!" Mas lalo lang ako naiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEFORE IT SINKS IN (ONE-SHOT STORY)Where stories live. Discover now