"Nandyan na po kaibigan ko, sige po una ako" pagpapaalam niya.

"Sige iho, ingat kayo" Ngumiti nalang ako kay kuya guard at nagsimula na kaming naglakad.

"Ahm Mike punta lang tayo saglit sa mall, may bibilhin lang tayo" nahihiyang sabi ko.

"Wala kase akong pampamasah-" I cut him up. Aware na ako don kase walang-wala siya ngayon?

"Ako na bahala dun, wag mo na problemahin" Ngumiti nalang ako sa kanya at kumuha na ng tricycle.

Habang nasa loob kami ay nagsalita siya. "Nakakahiya na talaga to John Rey"

"Haha baliw ok nga lang"

Pagkarating namin ay tinungo namin ang grocery, kailangan ng extrang pagkain since hindi nalang ako ang nandoon. This is a good way na din para makilala ko siya at kahit papano magkaroon ako ng kaibigan diba? Don't get me wrong ha, I don't have any kind of dirty plans kay Mark. Malinis konsensya ko, I just need to help the person kahit mejo takot onti hehe kase nga diko kilala pero sabi ko nga kanina, bahala na.

"Ako na magbubuhay niyan" offer niya

"Hindi na kaya ko pa naman, mukhang mabigat pa nga gamit mu eh tska may kukunin pa ako pagkalabas natin dito sa grocery" sabi ko. Mejo napupuno na kase tong basket ko pero kaya ko pa naman ehh. Pagkatapos kase nito ay bibili ako ng higaan niya, hindi kase siya kasya sa higaan ko kase pang-isa lang yun tska di ako sanay na may katabing matulog ehh.

Pagkalabas namin sa grocery ay dumako kami sa bilihan ng foam at tska unan. Di bake na ang bed sheet kase marami naman ako sa aparador.

"Halla ui, nakakahiya ok naman na nakaupo lang akong matulog ehh" sabi ni Mark pero di ko nalang pinansin.

Pagkalabas namin namin ay tunawag na ng tricycle si Mark then umuwi na kame sa apartment.

Pagkabigay ko ng bayad ay natulungan nalang kaming buhatin ang mga binili namin. Nasa second floor pa kase yung kwarto ko ehh.

Pagkapasok namin ay nakita ko ang pagkamangha ni Mark sa kanyang mg mata.

"Ui Mark pasok ka na"

"Grabe diko akalain na ganito kaganda at kalawak nitong apartment mo John Rey, may aircon ka pa"

"Magpalit ka nalang ng damit sa CR haha" patawa kong sabi sa kanya. Sumunod nalang siya at dali dali siyang nagpalit ng damit.

"Mark lagay mo nalang yung mga gamit mo sa kanang aparador, malawak pa naman space dyan" sabi ko. So inayos niya lang ang mga gamit niya habang ako naman ay inayos na yung nga binili namin na pagkain sa grocery at yung iba ay nilagay ko sa maliit kong ref na bigay ni mama. Pagkatapos ay nagsimula na akong magluto ng kakainin namin ngayon gabi.

Bale nakauwi na kami ng 7:48 pm so may oras pa akong gunawa ng mga requirements ko mamaya, kahit masimulan ko lang. Hindi pa naman deadline bukas ehh basta masimulan ko lang para hindi na ako mapressure gaano.

"Anu niluluto mo? Tulungan kita hehe"

"Bantayan mo nalang yung kanin, ako nalang bahala sa ulam" simpleng sabi ko. I can see na nagiging komportable na ng konti si Mark sa akin tsaka mukhang mabait naman siya pero he doesn't gain my trust yet.

Bale adobong manok tong niluluto ko ngayon, mis ko lang kase haha.

"Lola mo ba siya?" Biglang tanong niya sa akin ng makita niya ang may kalakihang picture frame na nakahang malapit sa bintana.

"Oo pero namatay na siya last month, kung buhay pa sana siya ngayon baka nandoon pa ako sa Ilocos" mabiro kong sabi pero bigla kong namiss ulit si lola.

"Mukhang sobrang mahalaga siya sayo. Siguro siguro kahit wala na siya, she is still around you. Guiding you" nakangiting sabi ni Mark sa akin. I feel companionship with this guy kahit hindi kami gaanong close dati.

"John Rey gusto ko lang sabihin sayo na, kahit hindi tayo nagkakausap dati tinulungan mo padin ako. Sorry nagbase kase ako sa mga ginagamit mo kaya nagkaroon ako ng ideya na baka kaya mokong tulungan kahit papano" yeah I'm right sa hinala ko. Naghinala siya na may kaya akong tao dahil sa mga kasuotan ko.

"Gusto kong sabihin sayo na pwede mokong pagkatiwalaan sa lahat ng bagay, hindi ako masamang tao. Pinapangako ko sayo na babawi ako sa kabaitan mo"

"Nu ka ba haha, nadrama mo ah. Alam mo kung di kita tinulungan baka konsensya ko pa haha" pabiro kong sabi sa kanya.

"Pero seryoso John Rey, salamat"

Ewan ko lang kung ilang babae ang naging kasintahan nitong si Mark. Tagos na tagos tong mga salita niya ehh haha. Well di maikakaila na may itsura naman tong si Mark tsaka merong katangkaran at laki ng katawan. Mas matangkad siya ng konti sa akin.

Nagsimula na nga kaming kumain at pagkatapos ay nagpresenta na siya na maghuhugas ng pinagkainan namin. Sinimulan ko na rin yung mga gawain ko para di masayang ang oras.

Sayang di na ako makapag-omegle nito haha...

A stranger that I met onlineOù les histoires vivent. Découvrez maintenant